THIRTY ONE

1.2K 38 4
                                    

Warning: SPG Alert

Bawal sa bata pero pwede sa VJs hahaha

_______________________________________


Dahil sa malakas na ulan at hangin dala ng bagyo mas pinili namin ni Jaki na magstay na lang muna sa rest house ko dito sa Tagaytay. Hindi na kami makakagala dahil masyadong delikado.

"Uy kayong dalawa hindi ba kayo titigil kakalaro diyan. Anak 'yang mata mo, masyado ng babad sa TV" naglalaro kasi kami ni Jelo at si Jaki panay lang ang sermon.

"Last 5 rounds Mommy"

"Kanina pa iyang last 5 rounds mo. Aba nakaligo na ako at lahat naglalaro pa rin kayo" dagdag pa ni Jaki.

"Hayaan mo na Jaki, minsan lang naman ito at isa pa wala naman ibang mapaglilibangan itong si Jelo" pagtatanggol ko.

"Kinampihan pa ng tatay. Kaya nagpapasaway 'yan eh" kinurot niya ako sa tagiliran. "Basta last 5 rounds na Jelo kapag di pa kayo tumigil ako mismo magpapatay niyan"

Saka siya dumiretso sa kusina. Magluluto siguro.

Kanina pa rin kasi kami naglalaro dito sa xbox ko. Nalowbatt kasi ang cellphone ko pati IPad kaya dito muna.

"Daya mo naman Tatay eh, wag mo galingan"

"Hala! Bilisan mo magcontrol!" Tutok na tutok siya dito sa tabi ko.

Nakailang minuto pa kami bago siya tumigil.

"Ayaw ko na po, magagalit na si Mommy"

"Sus, ako bahala sayo"

"Bahala ka diyan Tatay, ikaw na lang po papagalitan ni Mommy" saka siya nagtatakbo papuntang kusina.

Niligpit ko na ang kalat namin bago ko sila sinundan.

"Basta po wag na sa beach ah" ka-video call ni Jelo sila Papa kaya kumaway muna ako sa kanila bago tulungan maghanda ng meryenda si Jaki.

"Akala ko wala na kayong planong tumigil eh"

"Takot lang namin sayo ni Jelo. Boss ka kaya, Boss Jaki Mapagmahal" at umakto pa akong gangster.

"Loko! Di naman halatang handa ka sa pagkastranded natin dito sa Tagaytay. Daming foods eh"

"Takot ko lang na magutom ka Jaki. Ako na magluluto ng dinner natin mamaya" pagpepresinta ko. Pambawi na rin.

"Sure, basta may gulay dapat. Alam mo naman 'yang anak mo" napasmile kaagad ako. Sarap sa pandinig yung anak mo.

"Para kang ewan diyan Vice"

"I'm just happy lalo na kapag sayo mismo nanggagaling na anak ko na rin ang anak mo"

"Sus! Alam ko naman gustong gusto mo rin" saad ni Jaki.

"Gusto ko talaga tapos gusto ko may kapatid siya--Aray!!" Hinampas at pinandilatan niya kaagad ako.

"Nag-aaway po ba kayo Tatay?"

"Hindi anak, sige na pagpatuloy mo lang pakikipag-usap kila Lolo mo" sagot ni Jaki.

"Okay po, doon na lang po muna ako sa may sofa" at umalis na si Jelo.

"Viceral lumayo ka nga!!" Niyakap ko kasi siya habang naglalagay ng syrup sa pancakes na ginawa niya.

"Kiss ko muna"

"Sapak gusto mo?" Sadista naman nitong girlfriend ko.

"Ganyan ka ba talaga magmahal? Mapanakit?" Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at umaktong nagtatampo.

Love Him FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon