01

703 96 56
                                    

Shea's POV

"Bes ano na plano mo?" tanong sa akin ni Lauren.

Patuloy lang kami sa paglalakad papunta sa entrance ng school building. She's talking to me again.

Lumingon naman ako sa kanya at bahagyang napakunot ang noo. "Plano? Anong plano?" 

"Chess! Yung tourna, nakalimutan mo na?!" 

"Hindi. Ba't parang galit ka?", asar ko sa kanya. Kita ko naman kung  paano humaba ang nguso niya. I let out a laugh.

"Hindi ako galit!", singhal niya sa'kin. Di nga siya galit. "Oh, back to the topic, sasali ka nga o hindi?"

Medyo binagalan ko ang mga hakbang ko at saka dahan dahang tumango. "Siguro. Diyan lang naman sa mall yon. Malapit lang sa school."

Nilingon ko siya para makita kung ano yung reaksyon niya. Ngumisi siya at saka umiling-iling. "Alam mo bes..?" saka sabay baling ng tingin sa akin. "Siraulo ka din e no? Sinabi mo don sa isang chess player from other university na hindi ka kasali tas ngayon?" Binatukan niya ako kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. 

"Mas gusto ko ngayon, may thrill. Edi kung announced na kasali ko, maraming aatras."

Nanlalaki ang mata ng gaga at saka ako pinalakpakan. "Hoooo! Yabang!"

I smirked.

"Pag ako talaga nanalo sayo, tanggal ang yabang mo." sambit niya saka humarap na sa nilalakaran namin.

Ngumisi ako. "Seryoso? Tinirahan nga lang kita ng four moves no'n diba?"

"Hoy!" Bigla uling napabalik ang tingin sa akin ni Lauren. Luluwa na ang mata habang nakaduro sa'kin. "Dati yon! Nag-iiimprove na kaya ako ngayon hmmmp."

"Pano nga kasi, dapat ang bawat tira ay pinag-iisipan. Dapat habang nag-iisip yung kalaban mo ay nag-iisip ka na din. Chess is full of mystery, full of tactics and threats. Kaya pag tatanga-tanga ka at wala ka sa focus, matatalo ka talaga."

"Hay nako ewan ko! Hindi kita maintindihan! Ayan na naman si Pilosopo Tasyo sa matatalinhaga niyang payo!"

"Yeah... Yeah" saka pa ko tumango tango. "Seminar na nga kita next time para kapag tinirahan ka ng four moves uli, 'di ka na magwala."

Nang tingnan ko siya ay nakita ko kung paano kumunot ang niya. Meaning, naiinis na naman sa sinasabi ko. "Fuck you, Shinea Gomez!"

Nginisihan ko na lang. Ganyan talaga yan kapag wala nang masabi, kabod na lang mampa-fuck you. Gaga lang.

"Lume-level up na yung kahambogan mo bes! Hindi ko na kineri! Napakataas eh!"

"Eh kasi nga-" dugtong ko sa sinabi niya pero pinutol niya din.

"Taph taph! Hops na!" Minustra pa niya yung kamay niya. "Sandali naman bes, wala tayo sa korte, okay? Ayaw  pa patalo e." Umirap pa si gaga at saka bumulong bulong pero dinig ko naman. Sa bunganga ba naman na yan ni Lauren, kahit bulong madidinig talaga. "Wag mo nang dagdagan dahil baka ma-late na tayo! Alam mo naman na kapag nakasabay natin yung T3 sa kanilang bonggang pag-entrance ay patay tayo."

Yeah. I heard T3 pero hindi ko pa sila nakikita dahil kakatransfer ko pa lang dito. Pang limang araw ko pa lang kasi dito sa Dewford University. From the way Lauren acts, these group of guys are not pleasant indeed.

Papasok na kami ng glass door ng school at nagkalat ang mga estudyante. As usual, nandoon na naman yung mga early birds para tumambay at makipag-chikahan. 

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now