27

82 32 0
                                    

Jethroy's POV

"Tingnan mo. Sabi ko sa'yo, kakainin mo rin yang sinabi mo sakin noon eh." sambit ni Drey.

"I don't know bro. Paulit-ulit siyang sumasagi sa isip ko no'n pero patuloy ko lang tinatanggi 'yon." malungkot na saad ko.

"Hay nako lover boy! Kung sana tinotoo mo na yung panliligaw noon, ede sana happy happy na kayong dalawa ngayon."

Wala akong magagawa. Naging gago ako nung mga panahon na 'yon. Kaya ito nga, bumabawi ako sa kanya. Sinusubukan kong ayusin ang lahat.

Alam kong kailangan lang niya ng panahon. Masyadong malalim ang sugat na iniwan ko sa kanya noon kaya alam kong hindi 'yon ganoon kadali maghilom.

"Ang cute niyong dalawa talaga! Tukmol baboy tandem." Napahalakhak pa.

Pinagbibira ko siya dahil sa sinabi. Hindi pa rin nagbabago. Isa pa 'to. Napakaingay! Walang kakupas kupas.

"Aray ko naman lover boy!" hinihimas na naman niya yung parteng binira ko.

Alam niya naman kasi kung paano ako magalit, sinabi niya pa.

Nagpaalam na ko kay Drey dahil first day of exam nila Chubs ngayon. Buti na lang ay maaga kaming nag-exam dahil graduating students kami.

Naghihintay ako dito sa may corridor nila nang bigla siyang dumaan.

"Good morning."

Hindi niya ako pinansin. Inaasahan ko naman na gagawin niya 'yon pero hindi pa rin ako susuko sa paganon-ganon lang.

"Musta pagrereview? Nakapag-aral ka bang mabuti?"

Ang hirap niya talagang kausapin pero okay lang, kaya ko namang tiisin.

"Good luck sa exam mo." sambit ko nang mapansing papasok na siya sa room.

Naghintay ako dito sa labas nila ng dalawang oras para yayain sana siyang kumain sa cafeteria. Kahit na mukhang tanga ako dito, sige lang ako sa pag-antay.

Maya maya pa ay natanaw ko na siyang lumabas sa may pinto. Agad namang umaksyon ang katawan ko at dali-daling lumakad palapit sa kinaroroonan niya. Sinasabayan ko lang ang lakad niya.

"Sabay na tayong mag-recess."

Gaya ng dati ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

"Ayos ka lang ba? Nasagutan mo ba ng maayos yung exam mo?"

Mas binilisan niya pa yung lakad niya hanggang sa makababa na kami ng hagdan. Wala pa rin siyang kibo.

Pagkapasok namin sa cafeteria ay nakatayo lang siya at palinga-linga.

"Anong gusto mong kainin? Gusto mo ba ng spaghetti?"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Hanggang sa nakita ko na siya palakad sa isang table. Naaninag ko si Marcus na nakaupo sa may table na 'yon. Umupo na siya roon at magkatapat na ngayon sila ni Marcus.

May nakalagay na ring pagkain sa table nila.

Tssk. Bakit ba lagi na lang nandiyan yung gunggong na 'to?

Hindi ko tuloy mapigilang magselos sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

Animo'y umusok ang ilong ko nang makita kong pinunasan ni Marcus ng tissue yung bibig ni Chubs.

Hindi na kinakaya ng kalooban ko yung nakikita ko. Mabilis akong naglakad at saka umakyat sa tambayan.

Inis akong napahampas sa lamesa at saka ibinato yung libro kay Drey.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now