23

75 33 0
                                    

Jethroy's POV

"Cafeteria na naman tayo?" tanong ni Jade. Niyaya ko kasi siyang kumain. "Diet ako, Jetjet."

"Hindi mo ko madadala sa diet mo. Bubusugin kita."

"Sige na nga. Hmmp."

Natatawa na lang tuloy ako sa kanya.

"Gusto mo ng spaghe-" Bigla akong napatigil sa pagsasalita. May kung anong alaala na naman ang sumagi sa isip ko.

"Spaghetti? Ayoko no'n. Kahit palabok na lang." tumango naman ako.

Leche ano naman ba pumapasok sa kokote ko? Nakakainis na!

Umayos ka Jeth! Umayos ka!

Maya maya pa ay kinuha ko na yung tray para dalin do'n sa lamesa namin.

"Gusto mo bang subuan kita?" tanong ko sa kanya.

"Huwag na Jeth. I can handle naman."

"Sige na. Subuan na kita." sabay kuha ng tinidor sa kamay niya.

Nagulat ako nang bigla niyang tapikin yung kamay ko. "Jeth! Ano ba? Sabi ko na ayoko nga eh."

Bigla tuloy akong napatahimik. Susubuan ko lang naman? May masama ba do'n? Buti pa si ano nagpapa-

FUCK!!

Ano na naman ba pumapasok sa kokote ko?!

"Oh I'm sorry Jeth. Hindi lang talaga ko sanay na sinusubuan ako." Inilapit niya pa yung mukha niya sakin at saka ako hinalikan sa pisngi. "Sorry na ha."

Hayst! Nakuha na naman niya ko.

Maya maya pa ay may nakita kaming announcement sa bulletin board ng music club.

'Battle of the Bands'

Para tuloy may umilaw na bombilya sa ulo ko.

"My shadow girl! Sali ka oh! I'm sure maraming kukuha sa'yo bilang vocalist. Si Drey kukuhanin ka no'n panigurado!" nae-excite na sabi ko.

Bigla naman siyang napangiwi. "Ayoko na Jeth. Madalas na kong nananalo kaya nagsawa na rin ako."

Napatango na lang ako. Sabagay.

Sa galing nga ba naman niya na yan, paniguradong marami na rin siyang nasalihan.

"Hindi mo pa ko nakakantahan. Hmm?" pagmamaktol ko sa kanya.

"Promise. Kakantahan din kita someday. Okay?" sinabayan ko naman ng tango. Kaya ko namang maghintay eh. Basta siya.

"Bro! Bro! Bro!" Nako ito na si Drey. "Hello Ms. Shadow Girl! Hehe."

Nginitian naman siya ni Jade.

"Ano pakay mo? Kukuhanin mong vocalist si Jade no?" pagbibiro ko.

"Hala! Ang galing! Pa'no mo nalaman?"

"Based on my instinct!"

"Hala meron ka ba no'n?!"

Bigla namang umusok yung ilong ko sa mokong na 'to. "Leche ka Drey Adriano! Manahimik ka kung ayaw mong tamaan!"

"High blood na naman si lover boy!" Tiningnan ko naman siya ng masama. "Hindi na. Hindi na. HEHE."

"Hindi pwede si Jade. Maning-mani na lang daw sa kanya yan kaya ayaw niya."

Napakamot pa ng ulo si bugok. "Hala! Sayang naman. Saan kaya kami kukuha ng vocalist nito?"

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now