02

344 86 9
                                    

Shea's POV

Anong pinagsasabi nito? Ako? Prey?

"Anong prey?" takang tanong ko naman sa kanya. Alam ko yung ibig sabihin nung prey pero hindi ko lang alam kung ano yung ibig niyang iparating.

Napakamot siya sa ulo niya. Ano problema nito?

Biglang lumaki ang mata ni Lauren at saka  sumigaw. "Ikaw yung susunod na bubullyhin nila!"

"WHAT???!!" malakas na sigaw ko dahilan naman para pagtinginan ako ng mga tao sa paligid ko.  

"Shit! Bes hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka nila napapaalis sa school na 'to!"

Gano'n ba talaga sila kasama na pati yung mga inosenteng tao ay dinadamay nila sa kagaguhan nila?

"Ano yung gagawin ko? Kalilipat ko lang ng school? Hindi ako uli pwedeng magpalipat dahil lang sa ganitong dahilan!"

"Bes! Wala kang magagawa kapag sila ang bumully sa'yo!"

Hindi ko alam kung paano yung gagawin ko! Ilang araw pa lang ako sa school na 'to tapos hell zone na kaagad! Kabuenas ko nman ata. Kaka-transfer ko lang dito sa school na 'to tapos ako pa yung ginawa nilang prey! Nag-iinit lalo ang ulo ko sa mga tukmol na yun!
Gawin nila gusto nila pero hinding hindi nila ko mapapaalis.

Naglakad na kami papunta sa soccer field. Actually ay maluwang ang field ng school kaya naman makakapag-practice talaga ng mabuti ang mga athletes at students. Pagkatapak ko pa lang doon sa field, nakita kong may tatamang bola sa mukha ko. "Bes! Bes! may bolaaa!" Sinubukan kong ilagan pero hindi ko nagawa dahil sa bilis ng pagtama nito sa akin. Napahiga ako sa lakas ng pagtama nito sa mukha ko. Ramdam ko rin ang sakit ng katawan ko kaya naman hirap akong igalaw ang mga binti ko.  Sinalat ko yung ilong ko at nakita kong may dugo yung daliring pinansalat ko doon.

"Oh My Gahd Bes!!" Mabilis na lumapit sa akin si Lauren at saka ako itinayo. "Okay ka lang ba?"

Tumango na lang ako at saka kinuha yung panyo sa bulsa ko. Ipinahid ko yon sa ilong kong mayroong dugo. "Oh my! May dugo ka bes! Oh wait wait dadalin muna kita sa clinic!", alalang sambit sa akin ni Lauren.

Tiningnan ko pa kung saan nanggaling yung bola. Nilinga ko pa ang mata ko at hayun! Nakita ko na rin ang may sala! Nakatayo ang T3 sa di kalayuan  habang patuloy lang sa pagngisi yung nasa gitna nila.

Lecheng Tukmol 3 na 'to!! Humanda kayo sakin paglapit ko diyan!

Lumakad ako papunta sa kanila. Kahit medyo masakit yung katawan ko dahil sa pagkakabagsak ko ay pinilit kong tumayo.

Papalapit na sana ako sa kanila nang bigla akong patirin ng jumping rope ng dalawang estudyanteng naglalaro.

Damn! Puro kamalasan na talaga ang nangyayari sa akin ngayong araw.

Nasubsob ako. This time, mas madami yung dugong lumabas sa ilong ko. Pinagtitinginan na naman ako ng maraming tao. Tiningnan ko rin yung dalawang pumatid sakin pero mukhang sa itsura pa lang nila ay wala talaga silang balak na mag-sorry. Malamang nautusan na naman sila ng mga pesteng tukmol ng Dewford University.

Kumuha ko ng pwersa para makatayo. Sobrang sakit na ng tuhod ko dahil ramdam ko na may sugat na ako roon.

Nang makatayo ako ay tiningnan ko sila ng masama. Makuha kayo sa tingin, mga gago! Si Jethroy at yung katabi niya sa kanan ay binigyan lang ako ng mapang-asar na ngiti habang blangko naman yung reaksyon no'ng isa.

"Bes! Ano bang ginagawa mo? Tara na!" sigaw ni Lauren. Hinila niya ako pero inalis ko lang din yung kamay niyang nakahawak sa akin.

Puno ng galit ang mata ko nang tiningnan ko ang T3! Napakuyom ang kamao ko sa inis. "Ano ba tatlong tukmol? Wala ba kayong malang gawin sa buhay niyo kundi ang mambully ng mga estudyante!!? Napaka isip-bata niyo dahil sa ganitong paraan pa kayo sumasaya! Ang mambully ng kapwa na wala namang kinalaman o atraso sa inyo!"

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now