11

145 47 6
                                    

Lauren's POV

Buti na lang talaga maayos na yung buhay ni bes. Kung dati ay lalapitan siya at aasarin ng mga estudyante, ngayon naman dinidistansiyahan na siya. Yung tatlong powerpuff girls, iniirapan na lang siya kapag nadadaanan kami.

"Bes! Galingan mo bukas ah! Cheer kita!" Lalaban na naman kasi si gaga ng chess diyan sa mall. Pilit ng pilit itong bestfriend ko na kailangan niya daw makuha yung paborito niyang chess clock.

Papunta na kami sa cafeteria ngayon. Itong si gaga. Gutom na gutom na daw. Eh pano ba naman kasi, nagcover pa ng kanta kagabi tapos late nang nagising. So ayon, hindi tuloy kumain ng breakfast kaya ayan gutom na gutom.

Nasa cafeteria na kami ng school ng bigla kong nakita sa di kalayuan si kuya kasama si Marcus na humihitit ng yogurt at may binabasa. Kumaway pa si Drey tapos niyaya kami na pumunta doon sa table nila. Kinuha ko na yung tray ko ng pagkain. Si Shea naman ay nakatayo lang, hindi pa kinukuha yung tray niya. "Hoy bes! Akala ko ba gutom ka?" Nag-aalangan pa siyang kunin no'ng una, pero kinuha din naman.

Sinulyapan ko pa siya sandali. Pero nakatingin lang siya sa gilid ni ayaw tumingin sa harapan. Noong nasa table na kami, ayaw pa niyang umupo. "L-lilipat na lang ako ng table."

Teka? May iniiwasan ba 'to? Wag mong sabihing iniiwasan niya si Kuya o si Marcus?!

Tila umilaw ang bombilya sa ulo ko kasabay ang pagtubo ng dalawang sungay. Hehehe!

"Bes! Oyy wag ka nang mahiya kay kuya! HAHA"

Kita ko naman kung paano siya lumingon sakin at pinanalakihan ako ng mata. Wala ka nang kawala! Binulungan ko naman si Drey para sabihin ang plano ko. Tumawa pa kaming dalawa sabay apir.

Mukhang magkakasundo kami ngayon.

"Marcus!" Napatingin naman ng masama si Marcus saka inalis ang headphone sa tainga niya nang tawagin siya ni Drey. Hala! Nakakatakot palang tumingin si Marcus! Parang kakainin niya ko sa mga tingin niya!

"Dasog ka naman don bro. Uupo si Shea."

"Sige na Marcus! Pleaseeee!"

Umiling na lang si Marcus at saka dumasog. Tiningnan ko naman si Shea na ngayon ay nakatayo pa din. Binigyan ko naman siya ng tingin na 'Look! Umupo ka na.'

Tinuro naman sa kanya ni Drey yung upuan. "Sige na Chubs. Upo na don. Si Jeth lang yan..... aso mo."

"Fuck you ka! Drey Adriano!" galit na sigaw ni kuya kay Drey.

Hindi ko tuloy mapigilang tumawa. Kaya naman natawa na lang ako sa mukha ni Shea, wala na siyang magagawa. Kaya naman pilit na lang siyang umupo doon sa tabi ni kuya. Nakapagitna siya ngayon kay kuya at Marcus. Kinuha niya na lang ang soda in can na binili niya habang si kuya ay umiinom ng mineral water.

Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Drey. "Woyyy grabe!" kaya naman bigla akong napatingin sa kanya. "Break na pala si Isha Mendoza at Michael Dela Cuesta!"

What??! Nagulat ako. Kagege-guest lang nila sa Tonight with Boy Abunda kagabi ah!

"Bakit daw?" Napatanong tuloy ako. Hindi kasi ako makapaniwala.

Nagkibit-balikat na lang si Drey. "Ewan ko. Nakita ko lang sa comments na nahuli daw ni Isha si Michael na may kasamang babae. Naghahalikan daw."

Nagulat ako ng sumigaw yung mga babae malapit sa amin. Basang basa 'ying damit niya. "Shit! May bumuga sa amin ng tubig! sino yon?!"

Nang mapalingon siya sa amin ay nagsorry na lang siya. Hindi niya siguro nakita na nakaupo dito yung T3.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now