09

179 61 6
                                    

Shea's POV

Sabay na kaming pumasok ni Lauren sa campus. Nandoon pa rin yung tatlong early birds para humagilap ng chika kung saan saan. Marami na naman akong naririnig tungkol sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Si Lauren ay nagmadali ng umakyat dahil kailangan pa daw niyang habulin si Ma'am Pantalunan dahil may ipapass pa daw siyang presentation.

Tutungo na sana ako sa hagdan pero biglang humarang yung tatlong early birds sa mismong harapan ko or should I say, tatlong powerpuff girls. Mukhang bagay naman sa kanila yung pagtawag ko ng powerpuff girls sa pangalan nila. They were all qualified.

Inayos nila yung pwesto nila. Nakita kong nagtapukan pa kung sino yung malalagay sa gitna. "Bubbly! Umalis ka diyan! Ako sa gitna!" sambit ni Blosmin na tinapok pa si Bubbly.

"You ugly creature!! Sobrang panget mo!! Akala mo naman kagandahan ka na niyan? I think kailangan mo munang magsalamin baka malaman mo kung saan ka talaga nababagay." si Blosmin.

Wala akong pakialam doon. Ilang beses ko nang narinig yan.

"Oo nga! Eewww! Ang lakas mong makipag-landian sa mga miyembro ng T3! Look at us, magaganda. May chance kami na magustuhan nila" si Cuppy.

As if naman na magustuhan ka.

"Napakatapang lang ng hiya mo! You're a low profile student! Bitch!" si Bubbly.

Pilit kong lang iniwasan sila pero patuloy lang silang humaharang sa dapat kong puntahan.

"Baka hindi mo kami nakikilala." sabay duro ng daliri ni Blosmin sa mismong mukha ko.

"I don't know every shits of you. So please get out of my way!" medyo inis na sambit ko at saka hinawi sila pero hindi pa rin sila nagpadaan.

Naiirita na ko sa mukha nila kaya kumuha ko ng pwersa para mahawi sila ng malakas. Nakita kong tumaob silang lahat halata mo ang sakit mula sa mukha nila dahil sa kanilang pagkakabagsak.

"Ouch!!"

"I can't stand!"

"Ouch!! My butt hurts!"

Dadaan na sana ako ng hilahin ni Bubbly yung kamay ko para pigilan ako at saka siya kumuha ng pwersa para tumayo.

"Hindi mo kami kilala para kalabanin mo!" sigaw niya saktong pagkatayo niya. Nakita ko naman yung dalawa na nakatayo na rin.

Simple ko lang silang sinagot. "Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling. Who knows? Sa tae pala ng kalabaw?"

"You bitch!" sasampalin na sana ako ni Cuppy pero hindi niya naituloy dahil pinigilian siya ni Blosmin. "Let me do it first!" at saka niya ako tinakot gamit ang isang ngiti.

"Kung hindi mo kami kilala ay magpapakilala kami para sa'yo. I can define myself. I'm..."

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nila. Masyado ng nakakairita yung mukha nila dahil malelate na ko sa klase ko. Para mabilisan ay tinapos ko na yung sasabihin.

"Yeah, I can define you! Ikaw si Cuppy. Negra pero feeling maputi?" turo ko kay Cuppy. Kasunod naman ay kay Bubbly "Ikaw si Bubbly, kulot na feeling straight kung makapagwasiwas ng buhok? " at ang pinakahuli sa lahat ay ang tinuro ko na ang pinaka may bahog sa grupo nila. "at ikaw naman si Blosmin. Feeling sexy pag nasa picture. Ilang days mo bang inedit 'yon?"

Ngayon tayo mag-inisan.

Jethroy's POV

Nakapasok na kami ng T3 sa glassdoor ng building. Gaya ng dati ay marami na namang mga estudyante ang sumalubong sa amin at pinagkaguluhan kami. Nakita ko naman si Chubs sa di kalayuan at nakikipag-away kina Blosmin, Bubbly at Cuppy.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now