33

86 27 0
                                    

Lauren's POV

"Hoy! Abe tumulong ka naman dito! Ang haba haba kaya ng kino-compute ko!" sigaw ko kay Drey na puro lang ML.

Kainis. Ako ba naman piliin na kagroup member? Tapos ito magpapabuhat lang naman pala.

Nage-ML ako pero hindi ako ganyan kaadik na kahit may ginagawang importante, naglalaro!

"Wait lang tuta! Lamang na kami ng kills!"

Napakamot ako sa ulo ko. Leche!!!! Magwawala na ko dito pag hindi niya pa nilubayan yan.

"Kills ka diyan! Gusto mong ikaw ang patayin ko?!" sinilip ko pa kung malapit na siyang mayari. "Kasisimula pa lang naman ng laro mo! Anong oras pa mayayari yan?!! Ha?!"

Nanggigigil na talaga ko. Sa inis ko ay bigla kong kinuha yung phone niya at saka iyon pinower off.

Napasabunot siya sa ulo niya. "Tuta!!!! Ano ginawa mo?! Rank yun!"

Ah ganon?! Galit kong kinuha yung mga papel na kino-compute ko.

"Rank pala ha! Rank pala! Ayaw mong mabawasan ng stars huh?!" sarkastiko ang pagkakasabi ko no'n habang patuloy na inaayos yung mga gamit ko. "Oh sige! Mabawasan ka ng grades ngayon!"

Naglakad na ako para umalis. Hinila hila niya pa ko. "Oy tuta! Sorry na!"

"Hoy huwag mo kong matuta-tuta! Hindi mo na ako alaga!"

"Tuta! Oy! Baka naman!"

Inis akong humarap sa kanya. "Hoy! Wala ka namang naitutulong ah! Puro ka pabuhat! Kaya ka nag-reretake ng mga subjects mo kasi ayaw mong tuminong mag-aral!"

Nakita kong biglang napakuyom yung kamao niya nang binanggit ko 'yon.

"Lauren! Ayusin mo pananalita mo ah!"

"Ayusin mo rin kasi yung ginagawa mo! Kaya nga tinutulungan kita diba?!"

Bigla siyang napatahimik nang marinig ang sinabi ko.

"I'm sorry." simpleng sagot niya.

Hinablot ko yung kamay niya at saka bumalik sa pwesto namin kanina.

"Oh! Ikaw mag-compute dito! Tapos ako dito sa isa." sabay abot ko sa kanya ng sasagutan niya.

Nakita ko naman na napakamot pa siya sa ulo niya. "Tuta! Hindi ko alam kung paano sagutan 'to."

Ayos pala. Puputi talaga buhok ko sa hampas lupa na 'to.

Ayon, tinuturuan ko kung paano sagutan. Nakapangalumbaba siya habang seryosong tinitingnan ako.

"Wag ka ngang ganyan makatingin! Hindi ako makapag-concentrate! Alam mo ba 'yon?!"

"Eh pa'nong gusto mo ba akong tumingin sayo?! Ha?!" nilapit niya yung mukha niya sa akin at saka pinanlakihan ako ng mata. "Ganito ba?! Ha?!"

Bigla ko tuloy siyang tinulak. Naiirita ako eh!

"Wag ka ngang ganyan! Nandidiri ako sa'yo!"

"Wow lang ah! Eh kung halikan kaya kita diyan ng malaman mo kung sino pinandirihan mo!"

Bigla akong napatigil sandali dahil sa sinabi niya.

"Maglubay ka nga! Isa pa! Iiwanan kita dito! Maghanap ka ng ibang kapartner mo."

Nakita ko naman na tumahimik na siya. Ngumingiti pa sa akin kaya naiirita ko.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now