03

294 78 11
                                    

Shea's POV

"B-bakit..a-ko pa? Of all the people around me bakit ako pa?!!!!" Pinakawalan ko na ang isang malakas na sigaw.

Hinihintay kong bumagsak ang katawan ko nang maramdaman kong may umakap sa akin.

Damn!

"Ssshhh.. Napaka-ingay mo." Nagulat ako ng nagsalita ang taong nakayakap sa akin ngayon. Para akong na-estatwa sa mismong kinatatayuan ko. Nakapwesto yung kamay niya sa bewang ko para itali yung jacket.

Teka. Nananaginip ba ako ng gising? Bakit nandito yan?

Nanginginig ang kamay ko habang tinitingnan ko siya.

Pagkayari niyang itali yung jacket sa baywang ko ay humakbang na siya paalis.

"Marcus.." lumingon naman siya sa akin at saka ako binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Salamat" sambit ko at saka binigyan lang ako ng tango at tinalikuran na ako. "Uy teka!" bigla siyang napalingon. Binigyan niya na naman ako ng nagtatanong na tingin.

"A-aahmm bakit mo ko tinutulungan?" sa wakas ay nailabas ko na ang kaninang tinatanong ko pa sa isip ko. Pero tanging ngiti lang ang sinagot niya sa akin at saka tuluyan na siyang tumalikod at lumakad palayo.

Uso naman sana magsalita hano? May nahihinuha ako kaso kaso ayoko naman magconclude. Tinulungan naman niya ako kahit papaano. Kaya okay naman na siguro yon.

Dahil sa nangyari sa akin ay hindi na ako naka-attend ng klase. Pumanta na ko sa girl's dorm at saka pinuntahan yung kwarto namin ni Lauren.

"Bes... Saan mo nakuha yung jacket na yan? Hindi kasi kita nasubaybayan kanina eh kaya hindi ko nakita yung pa-emote emote na eksena mo!"

Talagang ito oh! Yung jacket yung unang nakita kaagad. Hindi muna tinanong kung ayos lang ba ako o hindi.

"Nakakatampo ka, alam mo yon?"

"Oh drama mo? Ano na naman ba?" Sambit niya saka sabay kamot sa ulo. Oh uso suyod ah. Baka may kuto na yan.

"Sino ba naman kasi hindi magtatampo ha? Nauna mo pang tanungin yung jacket kaysa tanungin kung okay lang ba ko?"

Umiling iling naman si Lauren pagkayari kong banggitin iyon. "Sus ito naman. Matampuhin masyado. So kamusta ka na? Okay ka na ba?" sabay ngumisi.

Grabe talaga 'to. Hindi niya ba alam na muntik na akong mapahamak dun kanina. Buti na lang talaga dumating si Marcus.

"So okay na ha. So sa'n na galing yung jacket na yan?" siningit niya na naman ang tanong na 'yon. Hindi naman ako makapagsalita kaagad. "Bilis! Bagal naman!"

Mamaya talaga sasapatusin ko na 'to. Kaapuradong masyado eh!

"May nagbigay lang sa akin." sambit ko.

"At sino naman yang superman ng buhay mo na yan?" pamimilit niya sa akin.

Naka-hotseat ata ako ngayon ah!

"Is dis Tonight with Boy Abunda? Grabe ka kung makatanong ah! Ginigisa mo ko!"

"Just answer my question Bes. Who is it?" sabay ngiti sa akin.

"Si Marcus.." sambit ko at nakita ko kung paano siya napanganga dahil sa sinabi ko.

"Ohmy!!!! What???!!!" Gulat na sigaw niya at saka napatayo sa kinauupuan niya.

Uso ba talaga tumayo kapag hindi makapaniwala?

"You mean, Marcus Estrada?!" tanong niya na binigyan ko lang ng tango. Kokotongan ko na 'to eh. "Ng T3???"

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now