13

110 44 8
                                    

Shea's POV

Nandito kami ngayon sa kotse niya. Nakafocus lang siya sa pagda-drive niya  at ako naman ay nakaupo lang sa passsenger seat habang nakikinig ng music sa speaker niya.

Nagulat ako ng sunod na magplay yung kantang 'Kiss You' ng One Direction. Fuck!

What's wrong with my system? Dati ko namang pineplay yung music na 'yon pero ngayon parang ayoko na.

Pipindutin ko na sana yung next button ng makita kong nauna na siyang pumindot. Nagtinginan pa kami kunyari dalawa tapos sabay iwas ng tingin.

Pinatay ko na lang yung speaker. Wala na ako sa trip makinig.

Ang awkward tuloy ng atmosphere.  Shemay.

"Baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven" nagulat ako nang bigla siyang kumanta. Maganda naman yung boses niya. Masarap din namang pakinggan.

"Kumakanta ka pala?" Nagulat siya nang bigla akong magsalita.

"Yeah. A little bit." tipid ng sagot ah. Ipis mode naman ngayon?

"Ah..." tumango na lang ako. "Gusto mong sabayan kita?"

"Ikaw?!" Malakas na sigaw niya. "Kumakanta?!" nagpakawala siya ng tawa.

Hindi na ako nagsalita. Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko.

"Wag na chubs! Magbabago lang tingin ko sa kanta."

Napayuko na lang ako. May kung ano sa loob ko na kumikirot. Kaya ayokong kumanta sa mga tao eh. Ganyan yung tingin nila sakin.

Maya maya pa ay dumating na kami sa Dewford Hospital. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko si Lauren. Nakangiti siya habang lumalapit ako sa kanya.

"Shea.." niyakap ko siya. Hindi ko na kakayanin kung isa pa siya sa mawawala. Minsan na kong nawalan, ayoko nang maulit pa.

Nakakaawang tingnan ang kalagayan niya. Maraming pa ring mga pasa. Nanghihina pa rin siya. Sabi naman ng doktor, baka next week pa daw siya makalabas.

"Bes. Bakit ka hinahanap ng mga taong nakaitim na 'yon?" singit ni Lauren. "Ano pakay nila sayo?"

Napatahimik naman ako. Napatapik naman sa balikat ko si Jeth. "Sabihin mo na. Maiintindihan naman niya yan." Tumango na lang ako.

Noong nasabi ko na sa kanya ang lahat ay bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. "Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako."

Nababagabag pa rin ako sa mga bagay na maari pang mangyari. Bilang lang ang oras ko. Kung hindi ko magagawan ng paraan kaagad ay maaaring madami pa ang madamay.

Maya maya pa ay hindi na mapakali si Lauren. Animo'y may hinahanap. "Bes nakuha niyo ba yung cellphone ko?"

"Hindi. Saan mo ba nilagay?"

"Nalaglag ata bes HUHU." Malungkot na saad niya. 

"Tingnan ko din mamaya. Baka naiwan mo lang do'n sa dorm." saad ko.

"Bes! Nanalo ka ba? Nakuha mo ba yung chess clock na gusto mo?" excited na tanong sa akin ni Lauren.

Umiling ako. "Nagbago na isip ko. Binago na nila yung prize. Instead of chess clock, money na lang. Hindi ko naman alam yung rason kung bakit." tumango tango naman siya sa sinabi ko.

Nagsinungaling ako sa kanya. Ayoko namang pakadagdagan pa yung alalahanin niya. Nadamay na siya dahil sa kagagawan ko. Ayoko nang sisihin niya pa yung sarili niya dahil hindi ko lang nakuha ang bagay na gusto ko.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now