37

108 29 0
                                    

Shinea's POV

"Do you want to ride a boat?" tanong ni Jeth.

Tumango lang ako bilang sagot. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin para isakay doon sa bangka.

"Bakit ba buhat ka nang buhat? Kaya ko namang hakbangan yun ah?!"

"Shhh.." saway niya sa akin. "Ang bigat mo."

Biglang nag-usok yung ilong ko dahil sa sinabi niya. "Mabigat ako, bakit binubuhat mo pa ko?"

"Kahit gaano ka pa kabigat, kayang kaya kitang pasanin."

Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ang hilig ba naman kasing bumanat. Lagi na lang.

Ibinaba na niya ako. Nginisihan niya pa ko ng makita niya yung itsura ko.

I rolled my eyes on him. "Wag kang ngumisi nang ngumisi diyan baka..."

Teka ano nga ba sasabihin ko.

Ngumisi na naman siya. "Baka ano? Mafall ka?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi ah!"

Inilapit niya yung bibig niya sa tainga ko para bulungan ako. "Alam ko namang matagal ka ng nafall sa'kin. Una pa lang."

Biglang umakyat ang inis ko sa tukmol na 'to. Magkalapit ang mukha namin habang titig na titig siya sa'kin.

Hindi ako magpapatalo sa mga trip niya. Inilapit ko rin yung bibig ko sa tainga niya. "Sino ba yung nabaliw sa boses ko, una pa lang?"

Bigla niyang iniwas yung tingin niya sa'kin. "Oh bakit hindi ka makasagot ha?" Pang-iinis ko sa kanya.

Hinawakan ko siya sa braso. Pinipilit ko siyang iharap pero ayaw niya talaga. "Sandali nga, bakit ba?" I asked out of curiosity.

"Don't boost my romantic excitement, Shinea." ani Jeth habang hindi pa rin magawang tumingin sa akin.

Napatakip ako ng bibig sa sinabi niya.

Iniharap ko yung mukha niya sa akin. Ngayon, malikot naman ang tingin niya. Ayaw niyang tumingin sa akin. Napansin kong kanina niya pa pinipigilan yung ngiti niya.

"Fuck. Chubs. Please."

Pagkababa namin ng bangka ay pilit niyang iniiwas yung sarili niya sakin. Natatawa tuloy ako.

Napadpad din ako sa mga makukulay na bulaklak. Ang sarap sa matang titigan.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong pumitas si Jeth ng bulaklak mula roon. Tiningnan ko siya ng masama para suwayin siya. Hindi siya nagpabawal at saka humakbang palapit sa akin.

Inipit niya sa tainga ko yung bulaklak na nakuha niya. Humakbang na siya paalis pagkayari niyang gawin 'yon.

Hindi ko nga alam kung kikiligin ako o magagalit. Kainis.

Kahit nung bumibili ako ng souvenirs para sa triplets, kay tita, at kay papa, ayaw pa rin mamansin. Sa mines view man, gano'n pa rin siya. Ayaw pa rin tumingin ng maayos sa akin.

"Jeth!" pilit ko siyang tinatawag pero tumatagilid lang siya kapag kinakausap niya ko.

Hinawakan ko yung kamay niya habang sumisilay sa napakagandang tanawin.

"Fuck. Chubs." hayan na naman siya.

"Huwag ka nga. Pigilan mo muna yung kilig mo."

"How can I resist when I'm with you?"

Bigla akong napa-face palm sa mukha ko. Hayst Jethroy Andrada.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now