14

90 44 8
                                    

Jethroy's POV

"Ay! Ay! Ayieeee! Pa'no kiligin?" si Drey. Inaaasar na naman ako kay Chubs.

"Gusto mong makita kung pa'no kita suntukin?"

Napailing naman siya. "Ay hindi na! Hindi na hehe!"

Napakaingay niya simula kaninang umaga.

"Akala mong siya hindi maingay!", konsensiya.

"Oh shut up!" napasigaw tuloy ako. Pinagtitinginan tuloy ako ni Drey saka ni Marcus.

"Luhh! Nababahog?!" Inaasar na naman ako ni Drey. Kapag ito tinamaan sa akin, tanggal ingay nito.

"Hindi! Manahimik ka!" galit ko naman siyang tiningnan. Siya naman tawa ng tawa.

"Oy bro!" sigaw ni Drey kay Marcus dahilan naman para tingnan siya ni Marcus. Lumapit siya kay Marcus saka inalog-alog. "Ang tahimik mo naman bro! Uso salita! HAHA" pamumwisit ni Drey.

Sinarado naman ni Marcus yung binabasa niya. "What for?" tipid na sagot ni Marcus.

Nakikinig lang ako ng usapan nila habang nakaupo at pinapaikot yung ballpen sa kamay ko.

"Baka may gusto ka lang sabihin." sambit ni Drey.

"Nothing." tipid na sagot ni Marcus saka nagsimulang buklatin na naman yung libro sa harapan niya. NapakaKJ talaga.

"May gusto ka ba kay Chubs?"

Nagulat ako sa tinanong ni Drey. Binigyan pa ko ng nakakaasar na tingin.

FUCK!

"You should know the answer." inayos naman niya yung gamit niya. Inilagay yung book sa bag at saka tumayo. "Una na ko sa room." Hindi na siya naghintay ng sagot at saka dumiretso na sa room.

You should know the answer?! Fuck! Ano yon? Logic?!

Naiinis talaga ko hindi ko alam. Parang kumukulo tuloy ang dugo ko. Napahampas tuloy ako sa lamesa at inis na napahagod sa ulo ko.

"Ohhh! Bro easy!" pagpapakalma sa akin ni Drey. Inis ko siyang tiningnan.

"Nadedemonyo ako! Huwag mo kong kausapin!"

"Ay! Ay! Ay! Alam ko yan! Alam ko yan!" Nagtatatalon pa yung gago. "Selos ka no? Natatakot ka na baka may gusto si Marcus kay Shea?"

PAKSHETTTTT!

Pinagsusuntok ko tuloy siya. Binalaan ko na siya. Panindigan niya yan. "Oy bro masakit! Ganyan ka ba talaga pag nagseselos?"

"Fuck you ka Drey Adriano! Hindi ko gusto yung Chubs na 'yon tae ka! Mandiri ka nga sa sinasabi mo."

Naghihilot si Drey habang nagii-swipe sa phone. Bigla tuloy akong natawa. "Hindi pa nga ganong nakaka-recover yung braso ko sa ginawa mo kahapon eh."

"Serves you right."

"Bro! Bro! Bro!" Nagulat ako nang sumigaw si Drey. Kinakalabit pa ko.

"Oh! Bakit ba?!" Naiirita na ko sa kanya.

"May bago daw tayong transferee!" Kinikilig pa si gago habang iniiswipe yung phone niya. "Bro! Maganda! Oh tingnan mo." Pinakita naman niya sa akin ang picture. Kulot yung babae, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at may magandang mga labi. "Ayaw mo?"

"Ayoko. Kung gusto mo ligawan mo. May Shadow Girl na ko." simpleng sagot ko.

"Shadow Girl na hindi mo naman alam kung sino. Feeling fan boy lang?" pang-iinsulto naman niya sakin.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now