19

76 36 0
                                    

Lauren's POV

"Oh gayak gayak na! Bilis!!"

Kanina pa ko sumisigaw dito dahil ayaw pang bumangon ni Shea sa higaan.

"Galaw galaw! Malelate ka na kaya bilisan mo!"

"Oo na! Oo na! Ito na! Babangon na!" sigaw ng sigaw. Kumamot pa siya sa ulo niya.

"Ay galit! Gustong manakit?" banat ko sa kanya. "Oy Bes! Sumunod ka na lang do'n ah! Kailangan pa naming ayusin yung performance namin neh?"

Dumiretso na ako sa school. My gahd! Napakadaming tao! Madami ding gwapo!

Hayst! Nasan na ba yung mga kamember ko sa drama club? Pagkapunta ko sa room na meeting place namin, lahat sila may suot ng costume.

Hala! Ako na lang pala wala!

"Hoy daldalita! Halika na! Bilisan mo na kanina ka pa hinahanap ni Ma'am."

"Lagot ka! Lagot!" pang-aasar naman ni Hes sa akin.

Natatakot na tuloy akong harapin si Ma'am Hernandez.

Pagpunta ko nga don ay pinanlakihan niya pa ko ng mata saka ako pinamaywangan.

Nagpeace sign pa ko. Hehe ma'am surri.

Dali-dali na kong nagpalit ng damit.

"Sa susunod na oras na malate ka pa Lauren Gayle, ibabaon na kita sa lupa."

"Wag po ma'am HUHU."

Maya maya pa ay nagpunta na kami sa gymnasium. "Yieee! Time to shine!"

Tuwang tuwa pa ko habang lumalakad nang biglang matapunan ako ng ice cream.

PUNYEMAS GARAPONES!

Mapapatay ako ni ma'am Hernandez nito. Nakakainis!

Sino ba lapastangang nagtapon ng ice cream sa damit ko?!

At ayon nakita ko rin yung may sala! Si Drey!

"Kung saan saan ka kasi nakatingin eh!" bakas ang pagkairita sa boses niya.

"Ako pa talaga may kasalanan ha?! As far as I know, ikaw laman itong may dala ng ice cream na tinapunan ang damit ko!"

"Wow lang! Wow! Ede sana umiwas ka!"

Aba aba!

"Hoy! Hoy! Hoy! At hoy pa ulit! Habang tumatagal mas lalo kang umiingay!!"

"Habang tumatagal mas lalo kang dumadaldal!"

"Kung hindi ka lang kabarkada ni kuya! Nakuuuu! Bi-bingo ka sakin talaga!"

"Kung hindi ka lang kapatid ni Jeth! Nakuuuu! Bi-bingo ka din!"

Aba!!!! Ginagaya niya pa ko!

"LAUREN GAYLE BERNARDO!!!!" Nagulat ako bigla. Ang lakas ng dagundong ng kulog!

Hala si Ma'am Hernandez pala! Nako! Patay!

"Ma'am! HUHU! Ibaon niyo na ko ma'am please!"

Kinalabit ko naman si Drey. "Sige ma'am maiwan ko na po kayo!"

Tatakas ka pa ha! Hinila ko nga! "Ano?"

Binigyan ko naman siya ng tingin na 'magpacute ka'.

Bilis! Bilis! Nasa bingit ako ng kamatayan.

"Sorry ma'am hehe." Napakamot pa siya sa ulo niya. Yan! Tama yan. Magpacute ka lang. "Inutusan ko po kasi yung tuta ko-- este slave pala na bumili ng ice cream."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now