30

85 29 0
                                    

"Oh my gahd! The oh-so famous Shinea Gomez!" sigaw sa akin ni Lauren habang magka-video call kami.

5 years have passed. Ganon pa rin siya. Wala pa ring pinagbago. Maingay pa din.

"Pasalubong ah! Pag-uwi mo dito!" pangungulit niya pa sa akin. "Sikat ka na talaga ah! Biruin mo 'yon, neneng ka pa 'nong nandito ka sa Dewford tapos ngayon kinabog mo ang mundo."

"Ikaw, wala ka pa ring pinagbago. Daldalita ka pa din!"

"Ikaw. Hanggang ngayon wala ka pa ring jowa."

Bigla akong natahimik sa sinabi niya. May naalala na naman tuloy ako. 

"Oh, natahimik ka!"

Ito talagang babae na 'to. Below the belt kung magsalita.

"Ikaw gaga ka talaga! Wala ka rin naman ah!" pang-aasar ko.

Kita kong napakamot pa siya ng ulo niya. "Ay. Oo nga noh. Hehe."

Nakita ko namang may kumalampag sa kwarto niya. "Mom, bakit?"

"Darling! Si Zhely nandito!"

Bigla akong napatahimik nang marinig ko ang pangalan.  Zhely Ramirez. Girlfriend ni Jeth. 

"Bes! Sige na may gagawin na kami eh. I love you! Bye!"

"Sige na. Bye." sambit ko.

Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko sabay lagay ng headphones sa tainga. Marami na talagang nagbago sa buhay ko. Naging singer ako dito sa New York, nakapagproduce ng mga albums. Limang taon din ang ginugol ko para makarating ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Binuksan ko yung cellphone ko. Andami na palang missed call sa akin ni papa.

Maya maya pa ay tumatawag na naman uli siya.

"Shinea, kailan balik mo?"

Na-miss ko tuloy sila papa. Sila Tita Merced, pati yung triplets.

"Next week na pa."

"Okay. Take care hija."

"Take care din papa."

Hayst. Napaopen ako ng messenger ko para sana i-message din si Tita.

Biglang nahagip ng mata ko yung isang myday. Kay Jeth. Kasama niya si Zhely. Nakangisi silang dalawa habang may hawak na ice cream. Kitang kita ang closesness nilang dalawa.

Naiinis ako sa nakita ko. Bumabalik yung alaala sa akin. After kong umalis, palagi na silang magkasama ni Zhely. He told me that day na mahal niya ako pero wala pang isang buwan mayroon ng iba. Wow! Ang galing!

Hayst. Inis kong pinatay ang phone ko. Kainis. Bakit ba kailangang makita ko pa 'yon?

Nagpaalam muna ako kay Ms. Martha na uuwi ako ng Pilipinas. Tatapusin ko lang yung pag-aaral ko do'n, then balik na agad ako dito.

Until the day came. Petsa ng pag-alis ko. Nagkakalumpumpunan pa yung mga tao dito sa airport.

"Oh my gahd!! That's Shinea Gomez! Waahhhhhhhh!!"

Ayon na nga. Naiipit na ko. Kabi-kabilaan yung nanghingi ng picture at nagpapa-autograph. Buti na lang hinarang ng mga body guard ko.

Kinawayan ko na lang sila at saka nginitian.

Maya maya pa ay nakasakay na ako. Doon ako pumwesto sa tabi ng bintana dahil mas nalilibang ko ang sarili ko kapag tumitingin doon.

Parang kailan lang no'ng umalis ako sa Pilipinas, tapos ngayon pabalik na ko.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now