22

69 32 0
                                    

Jethroy's POV

"Wooooh! Go Dewford!" napapasigaw pa si Jade kapag makaka-shoot yung basketball team ng Dewford.

Dewford at Viridian ang naglalaban. Lamang ng ilang puntos yung Viridian pero mukhang humahabol ang Dewford.

Napasigaw pa muli si Jade ng maka-shoot sa tres si Andrew. Tie na ngayon ang score ng dalawang naglalaban.

"Hello baby Jetjet!" Biglang lumapit si Drey sa tabi ko.

Tiningnan ko ng masama pero tinawanan lang ako.

Mandadaldal na naman 'to panigurado.

"Lubay lubayan mo ko Drey!"

"Oh easy lang lover boy!"

"Ano na naman ba? Ba't nandito ka na naman?!"

Tumingin pa siya kay Jade sa may tabi ko pero nang makitang nagchicheer ay nilapit niya yung bibig niya sa tainga ko.

"Si Chubs daw kasi kanina pa nawawala. Galit na galit na nga si sir Drex eh."

Ano? Championship yun ah? Bakit hindi siya lumaro?

Ano na naman bang naiisip no'n?!

"Ayyyy! Bakit ganon Jetjet?!" pagmamaktol ni Jade nang matalo ang basketball team ng Dewford. "Kainis!"

"Wala kasing effect yung cheer mo eh." Pang-aasar ko pa sa kanya. Inirapan niya pa ko at saka tinalikuran. "Mamaya gagana 'yon for sure! Cheer mo ko mamaya."

Inirapan niya muli ako at saka tumawa. How lovely? Pa'no pa kaya kapag narinig ko na siyang kumanta?

Pagkapasok namin ni Jade sa room ng mga athletes ay nakita kong napasapo sa ulo si Sir Drex. Nakakalat yung mga upuan at halatang naii-stress na siya.

"Andrada, nakita mo ba si Gomez?" Natataranta na siya.

Umiling ako sa kanya kaya mas lalo pa siyang nadismaya.

Hindi na niya malaman ang gagawin niya dahil kanina pa siya ikot ng ikot sa kinatatayuan niya.

Kahit kailan talaga yung mataba na 'yon. Puro sarili lang niya naiisip niya.

Pagkabukas ng pinto, akala namin si Chubs pero si Lauren pala. Halatang wala din siya sa sarili niya.

Hindi niya rin kasama?

Biglang napadako ang tingin niya sa amin ni Jade. Nagulat ako bigla ng sugurin niya si Jade. 

Hinubad niya pa ang sapatos niya at aktong ihahampas ito kay Jade kaya dali dali ko namang pinigilan. Isa pa 'to. Ano din ba problema nito?

"Ano ba Lauren?! Bakit bigla bigla ka na lang sumusugod ha?!"

Inis niya akong tiningnan. May bahid ng galit mula sa kanyang mga mata.

"Kasalanan niyo 'to kuya! Kasalanan niyo ng babae mo kung bakit nawawala si Shea ngayon!" panunumbat sa akin ni Lauren.

Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na tingin. "Bakit hindi mo tanungin sa babaeng yan?!"

Tiningnan ko naman si Jade para manghingi ng sagot pero nanatili pa rin siyang tahimik sa tabi ko.

"Oh, hindi ka makasagot?" sarkastiko ang tono ni Lauren. "Ano nga uling ginawa mo? Sinendan mo si Shea ng video niyo na naghahalikan kayo? My gahd! Kailangan niyo pa bang ipamukha sa tao yung nakakapandiring ginagawa niyo?!"

Nagulat ako. Napakuyom tuloy ako ng kamao. Inis ko namang tiningnan si Jade pero umiling-iling lang siya.

"Kuya! Ayusin mo yang babae mo! Mapapatay ko yan!" sambit ni Lauren at saka nagmadaling umalis. Padabog niya pang isinarado ang pinto.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now