24

76 32 0
                                    

Jethroy's POV

'Battle of the Bands'

Alas siyete na ng gabi. Napakarami ng tao dito ngayon sa gymnasium. Limang banda ang maglalaban. Kanya kanyang dala ng banner ang mga fans nila.

"Oy! Oy! Oy! Lover boy! Panoorin mo kami mamaya ah!" si Drey.

"Oo na! Pag hindi ako nagandahan sa performance niyo! Kukutusan kita!"

"Easy bro! Let's see na lang mamaya!" tumawa tawa pa.

Ang yabang talaga ng mokong na 'to kahit kailan.

Naaninag ko naman si Chubs sa di kalayuan.

Bigla nanlaki ang mata ko at naistatwa sa kinatatayuan ko ng magtama ang tingin naming dalawa. My eyes were totally captivated.

Fuck! Bakit ba kasi siya nakasuot ng ganyan? Wag niya sabihin na magpeperform din siya?

Nakita ko naman na nagmamadali si Lauren at saka niyakap si Chubs.

"Bes! Galingan mo mamaya ah!" dinig ko namang sambit ni Lauren.

So lalaban nga? Mukhang hindi naman magaling kumanta eh. Lakas mangarap.

"Jetjet!" tinatawag pala ko ni Jade. Hindi ko namalayan.

"Ano?"

"May surprise ako sa'yo mamaya! Yieeee! For sure matutuwa ka."

Napangiti tuloy ako na medyo nae-excite nang malaman yung sinasabi niyang surprise na 'yon. Mas lalo niya akong pinapakilig sa ginagawa niya eh.

"Baby She!!!!"

Nagulat ako nang biglang lumapit si mommy papunta kay Chubs at saka niyakap. Pati ba naman mommy ko?

Halatang nagulat pa si mommy nang makita niya si Chubs.

"Oh my gahd!" napahawak pa si mommy sa pisngi niya. "Sobrang ganda mo!"

Hindi naman. Slight lang. OA masyado.

Nagulat naman ako nang bigla akong hilahin ni mommy. Fuck!

"Mom may kasama ko!" pagmamaktol ko.

Nagulat ako nang bigla din akong hilahin ni Jade.

Leche!!!! Para akong mahahati! Dalawa humihila sakin!

"Hija! Bitiwan mo muna anak ko!" medyo inis na sambit ni mommy kay Jade.

Fuck.

Wala naman nagawa si Jade kung hindi bitawan ako. Minustrahan ko naman siya ng 'wait lang'. Tumango naman siya bilang sagot.

Si mommy kasi! Kung ano-ano na naman trip!

Ngumingisi pa si mommy. "Dikit ka Jethy Boy kay Baby She!"

Ano?!!!!!!

Hindi na ko nakapagreklamo pa dahil hinila na ko ni mommy palapit kay Chubs.

"Closure. Dikit pa!" narinig ko namang sambit ni Lauren.

FUCKKKK!

"Jethy Boy! Ang hina mo talagang dumiskarte!"

Wala na akong nagawa. Tinulak na ko ni mom palapit kay Chubs! Leche!

Parang kinuryente yung balahibo ko nang magkadikit kami.

Halatang pilit ang ngiti naming dalawa. Ito kasing si mommy!

Aalis na sana ko ng bigla muling magsalita si mommy. "Hmm? Kulang sa sweetness." sambit ni mommy pagkayaring tingnan yung picture na pinakita ni Lauren. "I-hug mo naman si baby She sa picture."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now