29

82 29 0
                                    

Shinea's POV

Tumawag muna ko kay papa at nagdahilan na pupuntahan ko si Marcus.

Sumama ko kay Jeth. May pupuntahan daw kami. Hindi ko naman alam kung saan dahil hindi niya sinasabi.

Nandito lang ako sa passenger seat habang siya ay focus lang sa pagdadrive. Gaya ng dati, nakinig lang ako ng music sa kotse.

Nagulat ako nang biglang i-pause ni Jeth yung music.

"What? Anong problema mo?"

"I don't like the song."

Ang arte naman nito.

Inis akong napaharap sa kanya. "Diba ito yung kinanta mo sa kotse? Tapos ngayon ayaw mo na?"

"So naalala mo pa pala." pagbibiro niya pa.

Bakit hindi ko maaalala? Wala pa namang isang taon yung lumilipas.

"Eh bakit nga hindi mo na gusto?"

He glanced for a second. "Because I like it more when you sang it."

Fuck. Napaiwas ako sa mga tingin niya. Nakakainis.

So nanonood pala talaga siya ng videos ko. Tssk.

"Ayaw na ayaw mo sakin no'n diba? Kahit nga pakantahin mo ko sa kotse mo, ayaw mo kasi baka masira yung araw mo." biglang sambit ko para basagin muli ang katahimikan.

Sumulyap pa siya sakin bago magsalita.
"Inis na inis ako sa'yo no'n. Sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan hindi kita magugustuhan. Until we share moments together, naguguluhan na no'n yung utak ko pero sinasabi ko sa sarili ko na hindi pwede kasi may mahal na kong iba. The girl who hides in darkness despite of her lovely voice was the girl who captivated me......"

Hindi ako makasagot. Napatahimik lang ako sa mga salitang ibinulalas niya. Sinulyapan ko siya, nakangiti siya habang nagmamaneho.

"Kaya ganon na lang yung saya ko nung umamin si Jade na siya si Shadow Girl. I even hurt you because of that. And how ironic it was that the girl I hurt was the girl whom I really love."

Natahimik ako sa sinabi niya dahil hindi alam ng utak ko kung paano magre-respond sa sinabi niya.

Binalot ng katahimikan ang buong kotse niya dahil wala sa amin ang nagbabalak na magsalita.

Huminto ang kotse niya sa isang amusement park. Bumaba siya sa kotse niya at saka pinagbuksan ako ng pinto.

Wow lang. Kailan pa siya naging ganyan? Dati. Halos itapon niya na ko kapag sumasakay ako ng kotse niya.

Bumaba naman na ko. Ganoon pa din. Wala pa rin akong makapang salita para kausapin siya.

Hindi ko rin magawang maging komportable sa lugar dahil mayroong sumasaging alaala sa isipan ko.

"What's wrong?" tanong ni Jeth pero umiling-iling lang ako saka umupo sa upuan.

Napasapo ako sa ulo. "May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Jeth.

"May sumasagi lang na alaala sa isip ko."

"Do you want to go home?" tanong niya pero sinabayan ko naman ng iling.

Humugot ako ng malalim na hininga bago muling magsalita. "Dito ko madalas dinadala ni mama para maglaro...." Sumulyap pa muna ko sa kanya bago bumaling muli sa harapan. "Ito ang isa sa mga pinakapaboritong lugar na pinupuntahan ko pero hindi na ngayon. Patuloy ko lang naalala yung mga masasakit na nangyari kay mama sa tuwing bibisita ako rito."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now