15

94 43 8
                                    

Shea's POV

"It's just a game, Chubs! Saka ano bang pakialam mo? Buhay ko yon!"

"Pakialam ko? Didn't you say na hintayin mo ko after ng last class ko?" Walang imik at nanatili lang nakayuko ang ulo niya matapos kong sambitin ang mga salita na 'yon. "Sabagay, may point ka rin naman. It's your life. I have nothing to do with that."

Tumalikod na ako sa kanya at aalis na sana nang hablutin niya ulit ang kamay ko. "Ano ba kasi?! Bakit ba nagkakaganyan ka?!"

"Jeth, are you numb?!" Hindi ko talaga mapigilang sumigaw sa kanya. "Fuck! Why do I have to feel this way?! Nakakatanga man sabihin to pero mahal na kita e. Sa dinadami-dami ng lalaki, bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na kinamumuhian ko?"

Masyado ng magulo ang lahat. Hindi ko na kontrolado ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Tiningnan ko si Jeth. Nakatayo lang siya habang patuloy na iniiwas ang tingin sa'kin. "Okay, fine. I'll be honest this time. I don't feel the same way for you. I have someone I like."

'then why do you act like you did!"

Gusto kong isumbat yan sa kanya ngunit wala na kong natitira pang lakas.

Ilang beses niya ba kong sasaktan sa mga salita at kilos niya? Sa bawat salita na binibigkas niya ay tila tumutusok sa dibdib ko.

Gusto niya nga siguro si Jade. Ano nga ba laban ko do'n? Maganda yon. Ako hindi.

"I see." natatawa pang sambit ko. "Congrats hehe. Nahanap mo na yung para sa'yo."

Tumalikod na ko sa kanya at humakbang na paalis. Wala pa ring tigil sa pagdaloy ang mga luha sa pisngi ko. Kung magtatagal pa ko ay baka hindi na kayanin ng puso ko.

Pagkauwi ko sa dorm ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito? Bakit?

Porket ba panget? Walang karapatang sumaya? Walang karapatang mahalin?

Sinubukan kong gumawa ng presentation na gagamitin namin bukas. Alas diyes na ng gabi pero kaunti pa rin ang natatype ko sa laptop. Kahit anong gawin ko ay ayaw makisama ng utak ko sa katawan ko.

Kaya naman napagdesisyunan kong gumising na lang ng alas tres ng madaling araw.

Hindi nasunod ang plano ko na gumising ng alas tres dahil alas sais na kong nagising.

Inis akong napatingin sa cellphone ko. Leche. Hindi ko pala nai-on ang alarm ko. Hindi ko na rin nagawa yung presentation dahil gumayak pa ko.

Ito, dinala ko na lang sa classroom yung laptop ko. Tinry kong gumawa pero dumating na rin kaagad yung teacher namin.

Buti na lang last group pa kami magpepresent kaya may additional time pa ko para gumawa.

"Last group na magpepresent. Punta na sa harap."

Fuck! Kulang na ko sa oras! Hindi ko na kaya pang yariin. Napailing na lang ako at napasabunot sa sarili ko. Kaya kahit labag sa loob ko ay tumayo na lang ako, kayo ko naman sigurong i-oral yung mga remaining slides na di ko nayari.

Natapos na yung presentation namin. Nai-discuss naman namin lahat ng nakalagay sa slides kaso hindi lang talaga ako okay sa reaksyon ng mukha na ipinapakita ni sir.

"Ayos lang naman yung oral na pagpepresent niyo. Kaya lang medyo nakulangan ako sa powerpoint na ginawa. Sino gumawa?" tanong ni sir. Nagtaas naman ako ng kamay. "Walang gaanong mga pictures, kulang sa mga details, tapos kinulang sa organization." direct to the point na sabi ni sir. "You're the leader Shinea, right?" tumango ako. "You're one of the students running for with highest honor. Magkakaroon ng malaking impact 'to sa grades mo."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now