20

78 37 0
                                    

Shinea's POV

Day 2 na ng interschool games. Ngayon pa lang yung start ng mga laro dahil puro cheer dance and other performances lang ang ginawa kahapon.

"Lauren! Huy!" Ito tulog. Nagbaliktad naman ata yung sitwasyon namin ngayon.

"Nyam. Nyam. Nyam. Nyam" nagsasalita pa habang tulog si gaga. 

Humanda naman siya sakin ngayon. Kahapon ako binubwisit niya!

Kinalampag ko nga yung pinto. Ayon nagising. Nagkakamot pa ng ulo.

"Bes naman eh! Kalampag ka ng kalampag akala ko tuloy nanalo na ko ng Ms. Universe."

Wow lang ha?! Ms. U daw!

"Tapos si Sir Clifford yung host."

Ano?! Napatawa na lang tuloy ako sa mga pinagsasasabi niya. Gaga talaga.

"Akala ko ba manonood ka ng games ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo na! Oo na! Sige na!" mukhang napilitan pa si gaga.

"Wag na! Sige matulog ka na. Nakakaistorbo ko eh."

Kinuha ko na yung chessboard ko sa lamesa.

"Pupunta ko bes! Ito naman nagtatampo pa." 

Talagang magtatampo ako. Kaisa-isang kaibigan mo ba naman, hindi manood sa game mo. Sino hindi magtatampo do'n?

"O siya maliligo na ko saka magbibihis ah!" saka ko naman tinanguan.

Pumasok na siya sa banyo para maligo.

"Bes! Bes! Bes! HUHU!"

Ang gaga talaga kahit kailan!

"Ano ba Lauren Gayle?!" sigaw ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto ng CR.

"May ipis bes! HUHU!" sabay turo sa ipis nandoon sa sulok. "Ayun! Ayun! Huhuy! WAAHHHH! Lumipad yung ipis sakin!"

Jusme! Ipis lang ba naman eh.

Kumuha ko ng walis tambo para pukpukin yung ipis.

"Hayst! Buti na lang." hinihingal pa si gaga.

"Bilisan mo na Lauren Gayle!" dinampot ko na yung ipis.

"Opu! Sigi na pu! Maliligu na pu aku!"

Initsa ko sa kanya yung ipis.

"WAAAAAHHHHHHH! HUHUHUU! Bes naman eh!"

Maya maya pa ay nakapunta na kami sa campus. Pagkapunta ko sa room namin ng mga Dewford athletes ay nakasalubong ko si Sir Drex. Nagpunta na daw yung mga athletes sa kani-kanilang mga assigned area. 

Ayon kay sir, SU daw ang unang makakalaban ko. 

Pagkapasok ko sa room ay pinagtinginan ako ng mga players galing ibang university. 

Ngumiti sa akin yung isa at saka lumapit. "Shinea, right?"

"Yeah." taga Viridian siya. 

"I'm Mikee Salvacion, nice to meet you!" kinamayan niya pa ko. 

Salvacion? Anak siya siguro ng coach ko sa Viridian University dati. Siguradong sinanay rin siya no'n kaya paniguradong magaling din siya.

"Nice to meet you too."

Naaninag ko naman sa isang upuan yung blonde na taga-Pewter University. She smirked. 

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now