06

206 69 5
                                    

Jethroy's POV

"Siguraduhin mo lang Shinea na makukuha mo ang pakay natin."

Shit!

Pagkayari niyang sabihin ang mga salita na yon ay nakita kong nagsi-alisan na ang mga taong naka-itim. Hindi pa rin lubos na nagsisink in sa akin ang mga nangyayari sa palagid ko. Ginugulo pa rin ako ng maraming tanong at hinuha sa isip ko.

Nakita ko si Chubs na nasa harapan ko at nakita kong bumaling ng tingin sa akin.

Bakas ang pagkaseryoso ng tingin niya. Pasimple pa siyang ngumisi. "Look at you. Para kang maamong tuta."

Ano??!! Gago ba siya? Pasalamat siya wala akong lakas ngayon para patulan siya. At anong tinitingin-tingin niya?

Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya naman ang palad ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga ginagawa niya. Kumakabag ang dibdib ko na animo'y nagtatambol.

"H-hoy ginagawa mo? May allergy ako sa mga panget!" sabay kabig nung kamay na nakahawak sa akin at mabilis na iniwas ang tingin sa mukha niya.

Sumobra na ata akong naiinis kapag nakikita ko siya! Leche!! Sino ba naman kasi hindi maiinis diba kung palagi mo na lang nakikita yung taong kinaiinisin. Kaya siguro nagtatambol yung dibdib ko dahil sa galit na nadarama ko.

"Arte mo! Kung makapangdiri ka. Bakit gwapo?" tinaasan ako ng kilay ni Chubs at saka hahawakan na naman ako. Ano ba 'to?

"Ako?! Ha! Malamang gwapo ko no!" hahawakan pa sana niya ko ng pigilan ko siya. "Don't touch me. Mahawa pa ko sa'yo baka pumanget pa ko!" sabay hawi ng kamay niya. Tuminigin naman siya sa akin ng diretso at saka pasimpleng ngumiti ng nakakaasar.

"Wowww!" sabay pagkrus ng mga braso niya. "Pwede ba 'wag kang umasta na akala mong si Dao Ming Si ka! Gago!"

Hindi na ko makapagpigil, talagang gagantihan ko na 'to! Kumukulo na dugo ko sa hinayupak na 'to eh!

Tatayo na sana ko ng bigla kong naramdaman yung sakit ng katawan ko. Naglahad siya ng kamay para tulungan akong tumayo. As if na kukunin ko yon.

"Hala! Oh sige pairalin mo na naman yang kahambogan mo. Hahayaan na lang kitang puntahan nung mga lalaki diyan kanina."

Kahit labag sa kalooban ko ay pinalapit ko na lang siya . "Sige na nga. Wala rin naman akong magagawa. Bugbog sarado ako ngayon." pagsuko ko.

Dahil sa sinabi niya kanina ay sumagi na naman ang hinuhang namuo sa isipan ko. Mas lalong umaangat ang aking kuryosidad para mahanapan ng kasagutan ang tanong na kung ano ang koneksyon niya sa G Mafia.

"Ano buhay ka pa?" nagulat ako sa pagsalita niya. Bakas ang pag-aalala sa kanya.

"H-ha? !O-oo naman! Sa itsura mo lang naman talaga ko hindi okay eh." sambit ko pero sa halip na tumango siya sa sinabi ko at sinalat niya yung bibig ko.

"Makapanglait naman. Sagad! Ikaw na nga tinulungan ikaw pa maarte tssk!" ganito pala siya kadaldal. Hindi ko namalayan na ngumingisi na pala ko.

"Aray!!" napasigaw ako ng mahawakan niya yung parteng may sugat. "Kitams!" Saka niya pinindot yung mismong ilong ko.

Ano ba?? Wala ba siyang malang gawin kung hindi insultuhin? Kanina pa ko hindi okay sa mga pinag-gagagawa niya sa akin.

"Okay daw? Kita mo ngang umaray ka!" Tumayo siya at saka iniabot yung kamay niya sa akin para alalayan akong tumayo. "Tumayo ka na nga diyan!"

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now