10

256 61 9
                                    

Jethroy's POV

Kanina ko pa tinext si Lauren pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Chubs. Ano ba kasing ginagawa no'n?

Dahil naiinip na nga ako ay hinanap ko na si Chubs. Tiningnan ko muna sa Cafeteria at baka nando'n pa. Luminga linga ako pero wala akong nakitang may malapad na katawan. Ibig sabihin wala si chubs dito.

Sinubukan ko naman sa soccer field. May mga naglalaro. Wala naman ding malapad sa mga nanonood, so wala din si chubs.

Papunta naman ako ngayon sa library at magbakasakali na nandoon nga siya. Malapit na sana ko do'n ng mahagip ng mata ko si Marcus na may kasamang babae. Teka ba't ang lapad ata no'n.

At nang mapagtanto ko kung sino ay hindi ko mapagilan ang sarili kong hablutin ang braso niya. Hindi ko alam pero biglang nag-init ang ulo ko nang makitang kasama na naman niya si Marcus.

Hinila ko na siya at saka dinala sa tambayan.

Padabog kong sinarado ang pinto at galit na pinaupo siya sa sofa.

"Ano bang problema mo ha?!" pumaibabaw ang sigaw ni Chubs sa buong kwarto.

Sa sobrang inis ko ay ginulo ko na ang buhok ko. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sabay turo ko sa kanya.

"Sandali nga! Nagseselos ka ba?"

Ano???!!!

"Ako magseselos??! Ba't ako magseselos?"ano akala niya? Hindi ko naman siya gusto. Bakit pagseselosan ko.

"E ano?! Nagseselos ka ba kay Marcus?" direkta niyang tanong habang naghihintay ng sagot sakin. Inis naman uli akong napasabunot sa sarili ko at saka umupo sa sofa

"Hell no!!!!"

"Teka bakla ka ba?! Pinagseselosan mo ba ko dahil kay Marcus?"

"FUCKKK! HINDI!!"

Umayos naman siya ng upo at mas lalong dumikit sa akin. Nawawala tuloy sa kondisyon ang sistema ko dahil sa mga ginagawa niya. "Eh ano nga?!"

"Ang lakas mong lumandi kay Marcus! Akala ko ba ligawan kita!" alam kong galit ako at wala na sa preno ang bibig ko.

"Gago ka!" galit din siya saka dinuro ako gamit ang daliri. "Hindi ako malandi! Gusto ko lang pasalamatan yung tao. Ano masama don ha?!"

"Gago ka ba chubs! Sa tingin mo ba matutuwa ako ha?! Nagpapahawak ka ng kamay! Tapos ako tatanga lang? Nakakasakit yun sa pagkatao ko!"

Umayos muli siya ng pagkakaupo. "So ayon. Lumabas din ang totoo!" she smirked. "Holding hands lang JETH!! Ang hirap kasi sa'yo ayaw mong natatapakan yung ego mo!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa galit. Marahas kong hinawakan ang baba niya.

"Kahit hawak lang 'yon!! Hindi pa rin tama!"

Ginulat ang aking sistema nang bigla niyang itulak ang mukha niya sakin, dahilan naman para dumampi ang kanyang mga labi sa labi ko.

PAKSHET!! Tumindig ang balahibo ko . Animo'y parang nagbabagsakan ang mga meteorite sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. Naestatwa lang ako sa kinauupuan ko habang hinahalikan ako ni Chubs!

Fuck! Hindi ko na kaya!! Tinulak ko na siya para tumigili na siya sa ginagawa niya.

Nakipag eye to eye contact pa siya sakin. "Holding hands lang yon. Halik yung sa'yo"

Nilamon na ata ako ng liwanag ng mga bulalakaw! Fuck!

Mabilis kong iniwasan yung mata niya. Umupo lang din siya ng maayos.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now