40

130 23 0
                                    

Shinea's POV

Mabuti na lang at binigay sa akin ni Jade yung phone ko. Itinext ko kaagad si Lauren para ipaalam ang lokasyon namin.

Naging madali rin para sa amin ang makahanap ng daan dahil sa tulong niya.

"Maraming nagbabantay sa labas." Ani Jade habang sumisilip sa pinto. "Kailangan muna akong maiwan para makaalis kayo."

Tumango naman ako at saka siya niyakap. "Mag-iingat ka." sambit ko at saka naman niya sinabayan ng tango.

Lumabas na nga siya ng pinto at saka humarap sa mga kasamahan niya. "Guys, lumapit kayo dito. May kailangan akong sabihin." Lumapit naman ang mga ito sa kanya. Sumilip siya sa pinto para senyasan kami ni Jeth na lumabas.

Tinahak namin ang masukal na kagubatan at sinunod lamang ang direksyon na binigay ni Jade.

Hindi ko magawang bilisan dahil inaalalayan ko pa si Jeth. Napahinto muna kami saglit. Isinandal ko muna siya sa may puno. "Iwanan mo na kaya ako rito. Kailangan mo na ring makaalis kaagad."

Tinitigan ko siya saka hinawakan ang pisngi niya. "Hinding hindi kita iiwanan Jeth. Sabay tayong aalis dito ng buhay."

Bigla niya akong niyakap. "I love you so bad, Shinea. Sorry for being a burden to you this time."

Maya maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos. Napalinga-linga ako para tingnan kung saan nanggaling yung tunog na 'yon. Then I saw bunch of G Mafia. Nakapalibot na sila sa amin. Nasundan nila kami rito.

Hinawakan ni Jeth yung kamay ko. "Tumakbo ka na Chubs. Please."

Napapikit ako at huminga ng malalim. "Hindi Jeth. Hindi ako tatakbo."

Bumitiw na ako sa pagkakahawak ng kamay at saka hinarap ang nagkalat na G Mafia.

Dalian akong sinugod ng lalaking may hawak na tubo. Mabuti na lamang, nakailag kaagad ako. Kinuha ko ang tubo sa kamay at saka iyon inihampas sa kanya.

"Chubs sa likod mo!" sigaw ni Jeth.

Salamat sa pagsigaw niya dahil madali akong nakailag sa lalaking sumugod sa akin. Inihampas ko yung tubo sa kanya at saka siya natumba.

Dalawa pa lang yung nagagapi ko, napakarami nila.

Kumuha ako ng bwelo para sugurin ang ilang pang G Mafia. Napatumba ko na rin ang ilan pero alam kong kulang pa rin 'to. Masyado pa ring marami ang nakapalibot sa akin.

Hingal na hingal na ko.

"Chubs sa likod! May baril!" bigla na naman uling napasigaw si Jeth dahilan naman para mapatingin muli ako sa likod ko.

Itinutok ng isa sa mga G Mafia yung baril sa akin.

Unti unti akong lumapit sa kanya. "Huwag kang magkakamaling lapitan ako. Kung ayaw mong kalabitin ko 'to."

Inihagis ko ang tubo sa mukha niya dahilan para mabitawan niya yung baril.

Nagmadali akong kuhanin 'yon at saka isa-isang inasinta lahat ng G Mafia. Salamat sa baril na napulot ko dahil mas madali ko silang nagapi.

Lumapit kaagad ako kay Jeth.

"I'm glad. You're safe."

"Tara na..... Umalis na kaagad tayo rito." hinihingal na sambit ko. Tumango naman siya kaagad.

Biglang nanindig ang balahibo ko nang makarinig ako ng palakpak. Rinig ko ang mabigat na yabag sa di kalayuan.

"Excellent." Napakuyom kaagad ang kamay ko nang magsalita si Gustavo. Ngumisi pa siya sa akin nang magtama ang tingin naming dalawa. "Iba talaga ang ginawang training sa'yo ng G Mafia. You'll not be good for nothing."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now