12

145 44 5
                                    

Shea's POV

Ngayon ang araw ng chess tournament diyan sa AN Mall. Naka T-shirt ako ngayon na tinernohan ng pants at sneakers.

8:00 AM pa lang naman, mamayang 10:00 pa ang start. Pumunta muna ko kay Eman na kagroup ko para iabot yung nasimulan ko na project sa ArPan.

Pabalik na sana ako nang may bumusina na Black Corvette sa likuran ko.

Hayst! Kaluwang-luwang ng daan eh.

Narindi naman ang tenga ko nang paulit-ulit niyang paandarin ang busina niya.

"Hoy Chubs! Sasakay ka ba o hindi?!" Oh si tukmol pala.

Ito talaga hindi ko maintindihan. Minsan biglang maglalambing. Tapos pamaya-maya akala mo namang tigre kung magalit. Kabod na nga lang yan hindi nagsasalita saka nag-walk out kagabi noong hinihingi ko yung pen. Tapos ngayon naman ito.  Sobrang ingay na naman!

Naglakad na ako papunta sa kotse niya. Biglang tumunog yung phone ko. May nagtext ata. Kukunin ko na sana.

"Hoy Chubs ano?!!" Sumisigaw na namang yung galit na tigre sa loob.

Hindi ko tuloy nakuha yung phone. Ito naman kasi masyadong apurado.

"Ito na nga tukmol oh! Sasakay na!" Pagalit na sigaw ko sabay padabog na sinarado ang sasakyan niya.

"Sisirain mo ba kotse ko?!" galit na naman siyang tumingin sakin.

Ano to? Mag-aaway na naman kami?

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng masasakyan, iniwanan ko na 'to dito eh.

Inirapan ko naman siya.

"Pashades shades pa, feeling gwapo." mahina lang ang pagkakasabi ko no'n pero alam ko na dinig niya.

"Do you want to get out?!" rinding rindi na ko sa boses niya.

Hindi ko na lang sinagot. Parang gusto ko tuloy ng tahimik na mundo. Yung walang JETHROY.

Binuksan ko yung phone ko para tingnan kung sino yung nagtext. Pagkabukas ko, nagulat ako dahil ang dami ng missed call sa akin ni Joy. Yung nasa katabing room namin ni Lauren. Nakita ko namang may text siya kaya binuksan ko.

From: Joy
Shea. Sorry man kung naabala kita. Si Lauren kasi nasa hospital. Nakita ko na lang kasi kanina na nakahandusay doon sa labas ng room niyo.

FUCKKKKKKK!

"Dalin mo ko sa Hospital! May kailangan tayong puntahan!"

Nagpapanic na ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong gulo ang utak ko sa mga nangyayari.

"Paano yung sa tournament mo?" Napatingin ako kay Jeth na naguguluhan na rin sa kinikilos.

"Pwede ba wala na kong pakialam do'n Jeth! Hindi 'yon ang mas importante. Yung kapatid mo nasa hospital ngayon."

Nakita ko ang gulat sa kanya nang banggitin ko na nasa hospital si Lauren.

Wala siyang tigil sa kakamura. Kahit na nagdadrive siya ay paulit-ulit niya lang sinasabi 'yon.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Dewford Hospital. Dali-dali kong bumaba sa kotse ni Jeth. Nanggigilid na ang luha ko.

Hindi na ko mapakali. "Miss nasa ICU po si Ms. Bernardo."

Bahagyang kumirot ang kalooban ko dahil sa narinig ko. Dali-dali akong sumilip sa ICU at nakita ko si Lauren na nakahiga sa hospital bed.

FUCKK!

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now