16

86 38 0
                                    

Shea's POV

Hindi ko alam kung anong pakay ni Jeth sa akin. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Nakita ko siyang nakaupo sa peace garden. Maya maya pa ay nakita rin niya ko pero agad din niyang iniwas ang tingin niya sakin.

Umupo ako sa tabi niya. "Ano ba yung pag-uusapan natin?" pagbasag ko sa katahimikan.

"H-how are you?"

Biglang tumindig ang balahibo ko nang marinig ko muli ang mga boses niya.

"Ayos naman." Tumango naman siya.

Parang hindi tuloy ako sanay na ganito kami.

"Sorry about what I said yesterday." malumanay na sambit ko.

Nakadiretso lang ako ng tingin habang nakatingin sa mga bulaklak na nasa harapan ko. Napansin ko namang tumingin siya "You don't have to feel sorry. Ako rin, I'll take this opportunity to say sorry. Hindi ko na dapat sinabi 'yon sa'yo."

Napatingin naman ako sa kanya. "Dapat sinabi ko na sa'yo dati pa na may gusto na kong iba." diretsong sabi niya sa malungkot na tono.

"Ako rin. Dapat hindi na kita pinilit na ligawan ako."

Matapos niyang magsalita ay naging tahimik ang ilang minuto para sa aming dalawa.

"By the way, I just want to give you this." Nagulat ako ng ilahad niya sa akin yung ballpen na kailangan ko. "Alam kong hindi mo naman yan gagamitin para gumawa ng masama. Just take this as a compensation for what happened."

Napayakap pa ko sa kanya. Naluluha ako. Matagal ko na ring hinihintay 'to. Nang mapansin kong parang ang awkward nang ginawa ko ay kumalas na ko sa pagkakayakap.

"Sorry. Nadala lang ako ng damdamin ko." sabay punas ko naman sa pisngi ko na basa na ng luha. "Salamat." binigyan ko siya ng ngiti saka pinakita yung ballpen.

"Teka, para saan mo ba gagamitin yan?" nagtataka pa niyang tanong.

"Ebidensiya." tipid na sagot ko. Tiningnan ko naman siya. Mukhang naguguluhan pa rin sa sagot ko. "Attorney ang mama ko. May handle siya no'ng kaso at gusto niyang isiwalat lahat ng katiwalian na ginagawa ni Governor. Nang isang araw na handa na sana niyang isiwalat sa korte ang lahat ng nakalap niya, bigla siyang dinukot ng grupo ng G Mafia. Nakipagtransaksiyon si Governor sa G Mafia, inutusan niya ang mga ito para dukutin si mama at sapilitang kuhanin para ibigay ang lahat ng ebidensiya."

Nagulat pa siya sa kinwento ko. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa akin, halatang malalim ang iniisip.

Jethroy's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa kanya at sa pagkawala ng mama niya.

"Anak ka ni Atty. John Dave Andrada diba?" nanindig ang balahibo ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ng daddy ko.

Ano pa bang alam mo Shinea Gomez? Napuno tuloy ako ng kuryosidad dahil sa mga pinagsasasabi niya.

Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "Kaibigan siya ng mama ko. Binigay sa kanya ni mama yung copy ng mga mga ebidensiya. Incase na may gawing pag-atake kay mama yung G Mafia ay masasalba ang ebidensiya."

Fuck! Hindi ako makapaniwala sa mga natuklasan ko.

"May card reader ka ba?" biglang tanong niya. Napatulala pa ako ng kaunti at saka inabot sa kanya yung card reader na kinuha ko sa bag.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now