26

80 32 0
                                    

Shinea's POV

Lumipas ang mga araw. Gano'n pa din. Sunod ng sunod pa rin sa akin si Jeth kahit saan ako magpunta. Kahit na nakakainis ay hinayaan ko na lang. Mapapagod din naman yan. Titigil.

"Ito oh. May juice saka doughnut akong binili sa cafeteria. Kumain ka muna."

Hindi ko pa rin siya kinikibo. Hindi ko pa rin siya kayang kausapin pagkatapos ng mga nangyari. Masyado pa rin sariwa para sa akin ang lahat.

Maya pa ay pumasok na ko sa klase Tadtad kami ng quiz dahil malapit na yung final exam namin.

Tumabi sa akin si Lauren. "Huy! Hindi ka ba nahihirapan niyan?"

Lumingon naman ako sa kanya. "Ayos lang ako Lauren, ano ba?"

"Eh yung puso mo kamusta na?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. "Oh kita mo, hindi pa okay. Tssk."

"Hayaan mo na yung kuya mo. Mapapagod din 'yon." simpleng sagot ko saka balik sa binabasa ko.

"Mapapagod nga ba? Makakaya mo rin ba?"

Hindi na ko sumagot. Kahit anong isagot ko, may sasabihin at sasabihin pa rin si Lauren.

Uwian na. Pagkalabas ko ng room ay bigla ko na namang nakita si Jeth. Kinuha niya yung mga dala kong projects na ipapasa ko kay Ma'am Perez.

Tulad ng dati, hinayaan ko na lang din.

"Jeth, sino yung babaeng kasama mo?" dinig kong sambit ng mga babaeng grade 10 din.

"Oh wait! Si Shadow Girl!!!"

"Kyahhh!"

Nag-uunahan pa sila sa paglapit sa akin. "Papicture Ms. Shadow Girl."

Hinayaan ko na lang din. Madami dami din sila kaya medyo nagtagal.

Tiningnan ko si Jeth na ngumingisi lang doon sa gilid. Nang tingnan ko siya ay bigla namang sumeryoso yung mukha niya.

Sa wakas ay nakarating din kami sa faculty room. May meeting yung mga teacher kaya nilagay ko na lang sa may table ni Ma'am Perez.

"Take care." sambit ni Jeth bago ako lumabas ng campus.

Pagpasok ko sa dorm namin, nakita ko si Lauren na tutok sa laptop. Niyayari ata yung project nila. Nag-aapura na rin kasi yung mga teacher sa pagpapasa ng mga projects. Buti na lang maaga kong sinimulan yung mga projects ko last week dahil ayokong maapura sa paggawa.

Dahil konti lang naman yung ginawa ko, tinulungan ko na rin si Lauren. Stress na stress na din kasi si gaga. Baka alas singko pa ng madaling araw makayari 'to dahil sa dami ng gagawin niya.

"Bakit kasi ngayon mo lang sinimulan? Ang haba nito." sambit ko sa kanya.

"Hindi ko naman kasi alam na magiging ganito kahirap yan. HUHU."

Nagtatype pa ko sa laptop ko nang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko na lang pinansin. May ginagawa ako. Mamaya na siya.

Ilang saglit pa ay tumunog na naman.

"Hindi mo pa tingnan. Kanina pa tunog ng tunog yan." reklamo ni Lauren.

Inis ko namang dinampot ang cellphone ko sa tabi ng laptop ko.

TUKMOL 💪:

Are you busy?

TUKMOL 💪:

Kailangan mo ba ng tulong?

TUKMOL 💪:

Sorry to bother you

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now