32

67 27 0
                                    

Shinea's POV

Saturday ngayon, niyaya ako ni Lauren na pumunta sa bahay nila. May kung ano sa akin ang ayaw pumunta pero ayaw ko rin namang biguin yung mommy ni Lauren. Noong isang araw pa niya kasi ako pinapupunta dito pero nagdahilan ako na maraming ginagawa sa klase.

"Oh my gahd Baby She!" sinalubong agad ako ng mommy ni Lauren at saka niyakap. "Namiss kita. Mas lalo ka pang gumanda Baby She! Yieeee!"

Nginitian ko naman siya. "Na-miss ko rin po kayo."

Nakita ko naman si Lauren na palapit sa akin. "Buti na lang Bes! Akala ko talaga hindi ka pupunta."

Naaninag ko naman sa di kalayuan si Zhely na papalapit sa amin.

Ano na naman ginagawa niyan dito? Nakikipag-landian na naman kay Jeth?

"Hi!" nakangiting bati niya sa akin. Binigyan ko lang siya ng plastik na ngiti, syempre.

Niyaya kami kaagad ng mommy ni Lauren sa hapag. Ang dami niya pang niluto. Natakam tuloy ako.

Bumaba na rin si Jeth ng hagdan. Mukhang kagigising lang.

"Hey Jethy Boy! Kain na!" tawag ng mommy niya kaya naman lumapit na siya. "Tabihan mo na si Baby She."

Bigla akong napatigil sa pagsubo ko. Hayst.

Nakita ko na tiningnan niya pa ko. "I'll sit here na lang, mom."

Okay. Nandoon nga pala yung girlfriend. Bakit nga ba naman tatabi siya sakin? Tssk.

"Ano pa gusto mong kainin, Zhe?" narinig kong sambit ni Jeth habang inaabutan si Zhely ng pagkain.

Tsssk. Pati ba naman sa hapag?

Maya maya pa ay dumiretso muna ko sa kwarto ni Lauren. Naalala ko tuloy yung dati kong punta dito. Yung nag-movie marathon lang kami halos buong maghapon.

Bigla akong napatingin sa likod ko. Sumunod pala yung Zhely na yon! Tsssk.

Maya maya pa ay in-open na ni Lauren yung TV. Mukhang magmu-movie marathon na naman ata kasi kinuha yung laptop niya.

"Nood tayo ng movie!!!!" sigaw pa ni gaga sabay higa doon sa kama niya.

Naki-join na rin ako sa paghiga. Sumunod naman si Zhely. Tsssk.

Nag-play na naman si Lauren ng horror movie. Tapos, duwag naman. May patakip-takip pa ng mata.

"Ayan na. HUHU." ito na naman siya.

Bigla kong hinawakan yung paa niya para takutin siya. "WAAAAAAAAAHHHHHH!" Ang lakas kung makasigaw. "Walang hiya ka Shinea Gomez!"

Natawa naman ako sa itsura niya. Akala mong nalugi!

Narinig ko na tumatawa rin si Zhely. Teka, ano tinatawa nito? Moment ko 'to. Bakit sumasali siya?

Tiningnan ko siya ng masama at saka inirapan.

After ng movie ay niyaya kami ni Lauren para mag truth or dare.

Kinuha niya yung bote ng soju doon sa may gilid ng kwarto niya. "Okay, game."

Siya na yung nagpaikot. Siya naman yung nakaisip na maglaro eh.

Nagulat ako ng biglang tumapat 'yon sakin.

Dahil matapang ako, nag-dare ako.

Bigla siyang napaisip ng ide-dare sa akin. Nakita ko naman na napangisi siya sa naisip niya.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now