07

214 70 6
                                    

Shea's POV

Ang sarap naman ng tulog ko. Ang lambot ng kama. Tapos itong si Lauren tinabihan pala ko tapos nakayakap pa sakin. Nang mahawakan ko yung kamay niya, bigla akong nagtaka. Teka bakit ang laki?!

Nang idilat ko na ang mata ko ay halos mahimatay na ko sa nakita ko. Pakshet.

Yung tukmol!!!!

Kaya naman sa gulat ko ay naitulak ko siya sa gilid. Mukhang napalakas ata yung tulak ko.

Bigla tuloy nag-flashback yung nangyari kagabi.

Naglalakad ako pabalik sa girl's dorm at papasok na sana sa rooom namin ni Lauren ng mapansin kong nakasarado ito at mukhang walang tao.

"Lauren nandiyan ka ba?" saka kumatok ng kumatok sa pinto para makasigurado pero kahit anong gawin ko ay wala pa ring sumasagot.

"San ako matutulog nito??" saka sabay iling. Umupo na lang muna ako at saka sumalampak sa sahig. "Kung saan saan kasi nagpupunta. Alam namang nandito ko oh!!"

Ramdam ko na rin ang pagod at antok kaya naman madalas akong higab ng higab. Ilang saglit pa ay nilamon na ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.

Leche!!

"Leche kang tukmol ka!! Leche ka!! Bakit nandito ko ha??"

Pinaghahampas ko siya ng pinaghahampas at nakita ko naman na nagising siya. Pilit niyang dinedepensahan yung sarili niya sa mga hampas na binibigay ko.

"Chubs sandali! Masakit!"

Napahinto ako sa paghampas sa kanya dahil sa daing niya. Nakalimutan ko nga pala na may sugat siya.

"Anong ginawa mo sakin ha?!" sigaw ko sabay duro ko sa mismong mukha niya.

Nakita kong tumawa siya ng pagkalakas at saka ko naman pinandilatan siya ng mata.

"Kung makapagsalita ka parang ikaw pa yung nadehado."bahagya siyang tumigil at saka inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. "Hindi ako pumapatol sa panget na mataba."

Parang nag-uusok na naman yung ilong ko dahil sa pagbanggit niya ulit ng salita na iyon sa mismong harapan ko. Hindi ko na pinalampas pa at saka ko pinaghahampas siya ulit.

Nakita kong kinuha niya yung kamay ko. "Sandali nakakasakit ka na ah!"

"Napakayabang mo!!" saka pilit kong inaalis yung kamay ko sa kanya pero hindi ko maalis. Masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya sa akin. "Sandali nga ha??! Ba't nandito ko?!"

Tumawa lang siya ng tumawa. "Pwede ba kumalma ka nga. Nakita kitang natutulog doon sa labas ng girl's dorm. So pinasok na lang kita dito." pagpapaliwanag niya. "Hindi kita type ah! Kaya wag kang mag-isip ng kung ano."

Umaakyat na naman yung dugo sa ulo ko sa mga pinagsasabi ng tukmol na 'to.

"Hoy Mr. Tukmol! Para sabihin ko sayo! Hindi ko gugustuhin ang isang katulad mo! Napaka-arogante mo!"

Nakita ko naman na tumawa na naman uli siya.

"Talaga lang ah! Sino kaya yung nagsabing ligawan ko daw siya. Hmmp?" kunyari nag-iisip tapos nung humarap sakin, bigla na lang ngumisi. Nakakademonyo talaga.

Napatalikod tuloy ako sa sinabi niya.

Tinabihan niya ko at saka inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Sa mukha ko, hindi ka ba satisfied?"

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now