Epilogue

179 22 3
                                    

Shinea's POV

Nakatingin lang ako sa puntod niya. Kinakapa ang mga pangalan niya na nakaukit sa lapida.

Alam kong naging mahirap para sa amin ang nakaraan naming dalawa. Hindi ko siya gusto noong una, at ganoon din siya sa akin. Mabigat ang nagawa niyang kasalanan sa akin pero hindi naman ako Diyos para ipagkait pa ang kapatawaran sa kanya.

"Hoy Shinea! May pupuntahan ka pa diba? May mall show ka pa, remember?" sambit ni Zhely na nasa likuran ako. "Sige na, magpaalam ka na sa kanya."

Tumayo na ako pero nanatili pa rin ang tingin ko sa puntod niya. "Salamat Jade. Utang na loob ko sa'yo ang buhay naming dalawa ni Jeth. May you rest in peace."

I started to walk while embracing the sunshine. This is not the end, just the start of a day where peace reigns.

7 months have passed already. Since that day came, my heart started to ache, still longing for someone very dear to me.

Nasa ibang bansa si Jeth, nagpapagaling. He's still in coma. Hindi pa rin siya gumigising. Nawawalan na ng pag-asa ang mommy niya, tanging makina na lang daw ang bumubuhay sa kaniya. I'm still encouraging them to fight just like how Jeth does. I know he's fighting for his family,..... for me.

"Shinea, okay ka na?" tanong ni Ms, Martha sa backstage. Tumango naman ako bilang sagot.

Pagkalabas ko ng stage ay naghiyawan ang mga fans ko.

"I love you SHINEA GOMEZZZZ!!!" sigaw ng mga grupo ng mga kabataan sa gilid. Kinawayan ko sila at saka ngumiti.

Sana nakikita ko ni Jeth ngayon. Sana nakikita niya ko kung paano ko ipinagpapatuloy ang pangarap ko. Kung paano ko kinakaya ang bawat araw. Kung gaano kabuo ang loob ko na babalik siya at hindi niya ako magagawawang iwanan.

Habang kumakanta ko ay naaninag ko kaagad si Lauren kasama si Drey sa gitna. Umiiyak siya habang nakangiti sa akin. Posible kayang...

Posible bang ganyan ang reaksyon niya dahil kasama niya si Jeth? Or the other way around?

Naluluha na ko pero pinagpapatuloy ko pa rin ang kanta ko.

Pagkayari ng mall show ay sinalubong ko kaagad si Lauren at saka niyakap.

"How's Jeth?" direktang sambit ko. I'm too desperate for the answer.

Malungkot akong tiningnan ni Lauren. "Bes, hindi pa rin siya gumigising."

Tinanguan ko naman siya.

May ilang luhang tumagas sa mga mata ko. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng lahat ng narinig ko.

"Ikaw tuta ko! Pinaiyak mo na naman si Chubs." pang-aasar ni Drey kay Lauren.

Tinapok ni Lauren si Drey. "'Yon naman talaga ah! Ano gusto mong sabihin ko?!"

Despite of this hopeless situation, I'm still relying for a miracle to come. I know, there is.

After the mall show, pumunta muna ako sa chapel. I knelt facing the Almighty God. I closed my eyes and started praying desperately.

I remained silent while having connection with Him.

"He's too good to answer your prayers."

I was startled upon hearing the voice. Nanindig kaagad ang balahibo ko at nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. Agad akong napalingon para siguraduhin kung kanino nangggaling ang boses na 'yon.

It was him. Ang lalaking pinakahihintay ko.

He hugged me and so I hugged him too, tightly.

'Thank You, Lord. You've answered my prayer.'

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now