35

82 26 2
                                    

Shinea's POV

Days passed, patuloy pa rin ang pagsesend sa akin ng death threats ng G Mafia. Hindi nila ko pinapatulog gabi-gabi dahil sa mga pinapadala nila sa akin. Mas natatakot ako dahil maaaring madamay ang mga mahal ko sa buhay.

Dumagdag pa yung sa amin ni Jeth. Simula nang mangyari yung gabi na 'yon hindi na kami nagpapansinan.

"Shinea Gomez! Bes!" kanina pa pala ako tinatawag ni Lauren pero hindi ko siya pinapansin. Nasa lounge kami, dito siya gumagawa ng mga projects niya. "Help! Huy! Pa'no ba 'to?"

"Gaga ka ba? Pa'no ko malalaman yan? Accountancy ba ko? Engineering ako Lauren Gayle."

"Pa'no ba gagawin ko nito? Si Drey sana accountancy kaso buti kung may maituro sa akin 'yon!" Inis siyang napasapo sa ulo niya habang kaharap ang laptop. "Waaaaahhhhh! Ang sakit sa brain cells bes!"

Maya maya pa ay naaninag ko na naman si Jade na nakaupo sa likuran ni Lauren. Diretso lang ang tingin niya sa amin. Nakakapanindig balahibo ang mga titig niya.

Isa pa siya sa problema ko. Hindi ko alam kung paano ko siya iha-handle araw-araw. Lagi siyang nagpapakita sa akin. Ano ba pakay niya? Bakit sunod siya ng sunod? Siya ba ang nagbabalita sa G Mafia ng mga ginagawa ko?

"Bes! Wag kang titingin!" Nagulat ako nang biglang takpan ni Lauren yung mata ko.

"Ano ba Lauren Gayle?!" pilit kong inalis yung pagkakatakip sa mata ko. Nang maalis ko ay nagulat ako sa nakita ko.

Parang linta na dumidikit si Cuppy kay Jeth. Nakahawak pa ito sa braso niya.

Blangko lang ang reaksyon ni Jeth nang magtama ang tingin namin. Kaagad din niya iyong iniwas.

Mas lalo pang idinikit ni Cuppy yung sarili niya kay Jeth.

Fuck. Napapikit ako sa inis.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at saka pumunta sa harapan nila Jeth. Inis ko naman siyang tiningnan. Gaya kanina ay blangko pa rin ang reaksyon niya.

Marahas ko siyang hinila at dinala sa may peace garden. Inis akong napabitiw sa kamay niya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" direkta kong tanong sa kanya.

Nakapamulsa siya habang seryosong nakatingin sa akin.

"You're jealous. huh?" biglang nagpantig yung tainga ko sa sinambit niya. Napapikit ako sa inis.

Nakita kong kumuha siya ng sigarilyo saka ito sinindihan. Inis kong kinuha 'yon at saka tinapon sa basurahan.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo? Sisirain mo ba yung buhay mo?"

"Matagal mo nang sinira, Shinea." bigla siya uling kumuha ng sigarilyo saka sinindihan na naman ulit. "Don't act as if you care."

"Of course I do." pagkasabi ko no'n ay kinuha ko uli yung sigarilyo niya at tinapon uli 'yon.

Inis siyang tumingin sa akin. "Stop playing with my feelings Shinea. Hindi na nakakatuwa."

Bigla akong na-estatwa nang banggitin niya 'yon. Humakbang na rin siya paalis. Wala na rin ako sa katinuan para pigilan pa siya.

Shemay.

Bumalik uli ako sa lounge para balikan doon sa Lauren. Inis lang akong umupo doon sa dating pwesto ko.

"Anyare sa'yo?" nagtatakang tanong niya nang dumating ako. Wala ako sa mood na kausapin siya.

"Wag ka nang magtanong nang magtanong."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now