31

85 28 0
                                    

Shinea's POV

Nakatayo lang ako habang pinagmamasadan siyang pumunta sa table.

Nagbago na nga ba siya?

Iyon ang tanong na patuloy na sumasagi sa isipan ko.

Kinalimutan niya na ba ko?

Pagkayari niyang magtake ng pictures sa book ay muli na naman siyang bumaling sa direksyon ko. Nagtama na naman ang tingin namin dalawa. Blangko pa rin ang reaksyon sa mukha niya.

Gaya ng kanina, nilagpasan niya muli ako. Isinauli niya ang libro sa may istante.

Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin yung panyo ko sa sahig. Iniabot niya sa akin 'yon pero hindi siya nagsasalita.

"Salamat."

Tumalikod na ko sa kanya at hahakbang na paalis.

"Shinea Gomez, right?"

Fuck. Nagulat ako nang sinambit niya ang pangalan ko. Napabalik muli ako ng tingin sa kanya.

"Nice to meet you."

After niyang magsalita ay umalis na siya kaagad. Sinalubong siya ni Drey sa may pinto at saka inakbayan.

Shit! Nagpepretend lang ba siya na parang hindi niya ako kilala?

Buong klase ay iyon ang nasa isip ko. Hindi ako makapag-concentrate.

Pag-uwi ko sa condo, iyon pa rin ang binubulatlat sa isipan ko. Shit!

Tinawagan ko na lang si Lauren. Baka sakaling mabawasan yung gulo ng isipan ko.

("Hey! Yow! Yow! Yow!") Ang ingay. Nasa bar ba 'to?

"Sa'n ka ba?"

("Wala sa bahay. HEHE.") Ang tinong sumagot diba?

"Wait! Are you drunk?"

("Hindi ah! I lab it! Yeah isa pa!") Lasing na nga si gaga. Nakikipag-inuman 'to panigurado.

"Ang tino mong kausap Lauren Gayle! Diyan ka na nga!"

Hayst.

("Oh wait! Wait! Punta ka dito bilis!")

"Ano ba yan? Kapag yan walang kwenta ah! Kukutusan kita!"

Ito, gumayak na ko dahil papunta na ko sa bar na sinabi ni Lauren.

Nagulat ako ng makita kung sino ang mga kainuman niya. Si Jeth at saka si Zhely. Nandoon din si Drey.

Shemay! Anong kagagahan pumapasok sa utak ni Lauren Gayle??!

"Yoohoooo! Bes!" kumakaway pa siya at saka lumapit sa akin.

"Lauren. Aalis na lang ako. Akala ko naman importante."

"Bes naman! Sandali lang! Pagbigyan mo na ko hihi! Tagal na nating hindi nagkita oh."

Hindi na ko nakahindi pa ng bigla na niya akong hilahin at dalhin sa pwesto nila.

"Oy! Chubs! Ang ganda mo na ah." biro niya pa sa akin.

Nilagay pa ko ni Lauren sa pwesto kung saan kaharap ko si Jeth at Zhely. Hindi ba nakakainis?

"Oh my gahd! Shinea Gomez!" Nagulat yung Zhely nang makita ako. "Papicture! Sige na please! Idol na idol kita eh!"

Hinayaan ko na lang. Ngumiti naman ako sa picture kahit papaano. Ngiting plastik, okay na yon.

Magkadikit na magdikit silang dalawa ni Jeth. Nakita ko pang binubulungan ni Jeth si Zhely. Tapos ito namang babae na 'to, lintik kung makangisi.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now