17

73 38 0
                                    

Jethroy's POV

Naiinis na ko kay Drey. Kanina pa tinatambol 'tong lamesa. Hindi pa nga ganong nagsisink in sa utak ko yung mga nangyari kahapon.

"Fuck! Drey! Pwede ba tumahimik ka?!" sigaw ko sa kanya.

"Yiee! Mukhang may iniisip si lover boy ah!" pang-aasar niya sakin pero hindi ko pinapansin. "Sino yan? Si Jade?"

Hindi pa rin ako kumikibo. Malalim pa rin ang iniisip ko.

"Tae bro! Kita mo tinamaan ka naman masyado!"

Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. Iniisip ko pa rin yung mga natuklasan ko kay Chubs kahapon. Yung about sa mama niya, sa daddy ko, at about don sa sinasabing taga-Viridian University na siya pala.

"Bro! Bro! Bro!" nagsisigaw si Drey habang may pinapanood.

"Pwede ba? Manahimik ka nga diyan?! Napakaingay mo eh!" napahampas pa ko sa lamesa.

Napailing na lang siya sa inakto ko.

"Pwede ba pakinggan mo muna kasi ako." kalmado naman ang pagkakasalita niya kaya hinayaan ko na lang siya magsalita.

"Panoorin mo 'to." sabay abot niya sa akin ng phone niya.

"Hello everyone! Nice to meet you! I'm the famous shadow girl!...."

Pagkakita ko pa lang sa babae na nagsasalita ay hindi na mapigilang magwala ng sistema ko. Walang tigil ang kabog sa dibdib ko.

Animo'y may sariling isip ang katawan ko at agad na tumayo at napahawak sa lamesa. Tawa pa nang tawa si Drey nang makita ang reaksyon ko.

"Don't be lazy Leo, run!" panggagaya niya pa kay Irithel sa Mobile Legends.

Nagmadali akong lumabas ng tambayan at saka dumiretso patungo sa kanya. Patungo kung nasaan si Jade.

Shea's POV

Puno ng galit ang kalooban ko dahil sa babaeng 'yon. "Bes! Kumalma ka!" si Lauren habang hinahabol ako papunta sa cafeteria.

Humarap ako sa kanya. "Bes! Pano ko kakalma? May lapastangang umangkin sa pinaghirapan ko!"

Hindi ko na mapigil ang emosyon ko. Pinagtitinginan na ko ng mga estudyante dito.

Binulungan niya ko. "Please, Shea kumalma ka."

Pinaupo niya ako sa upuan dito sa cafeteria. "Oh, uminom ka muna." sambit ni Lauren sabay abot sa akin ng mineral water. Ininom ko naman kaagad yung inabot niya sa akin pero hindi pa rin sapat 'yon para palamigin ang ulo ko.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko pa rin sa di kalayuan si Jade habang pinagkakaguluhan siya ng mga estudyante.

Naiinis ako sa pagngiti niya. Ang lakas ng loob niyang tanggapin ang papuri ng ibang tao sa mga bagay na hindi naman siya naghirap.

"Nakakainis!!!!!" Nanggigil na rin si Lauren sa nakikita niya.

"Oh kumalma ka din. Baka mas mauna ka pa sa akin na sumugod do'n."

Nakita ko naman na tumayo sa kinauupuan niya si Jade. "Shadow girl kailan po upload niyo ng next cover?"

Nginitian naman ni Jade yung mga estudyante. "Well, for that thing.. 'yon nga sana yung gusto kong sabihin sa inyo guys. May problem kasi sa boses ko..."

"Eh pa'nong hindi magiging problem? Hindi mo naman boses 'yon?" bulong ni Lauren saka inis na ininom yung natitirang mineral water na binigay niya sakin kanina.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now