34

82 27 1
                                    

Shinea's POV

Lumipas ang mga araw. Si Jade, palagi ko siyang nakikita dito sa campus. Araw-araw siyang lumalapit sa akin at nagpupumilit na may sasabihin pero tinataboy lang siya ni Lauren.

Gusto ko sanang makinig pero nangingibabaw pa rin yung galit sa akin. Hindi ko siya magawang pakinggan dahil sa ginawa ng pamilya niya sa mama ko at sa ginawa niya sa akin noon.

"Hoy bes! Sumama ka samin mamaya sa park ah!"

Si Lauren. Puro na lang gala. Hay nako.

Tumango na lang ako. Hindi naman papayag 'to nang hindi ako kasama. Hilahin at hilahin pa rin ako nito.

Pagkatapos ng klase ko ay nakita ko si Lauren kumakaway sa akin sa labas.

Nakita ko si Jeth na nakasandal sa kotse niya habang nakahawak sa cellphone.

Pagkalapit ko sa kanila ay bigla akong hinampas ni Lauren. "Ang tagal ah! Kanina pa kami naghihintay dito!"

Nag-peace sign naman ako.

"May group project pa kasi kami tinapos." pagdadahilan ko.

Inirapan ako ni Lauren.

"Woyyyyyy! Lover boy!"

Biglang dumating si Drey at saka inakabayan si Jeth.

"Hoy Chubs!" Nginitian ko naman siya. "Saan punta?"

"Wag ka ngang magtanong! Hindi ka kasama!"

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Lauren. Aso't pusa na lang ba sila palagi?

"Si Jeth naman magsasama sakin at hindi ikaw! Kaya manahimik ka tuta! Di ba lover boy, sasama mo ko!" Nag-puppy eyes pa si Drey kay Jeth.

Nakita ko naman na napapikit si Jeth, halatang pinipigilan ang inis sa kaibigan. "Fine. Sumakay ka na sa loob."

"Pero kuya!!!"

"Bleeeeh!!! Walang magawa si tuta! Wawa!"

Hindi mapigilang pumadyak ni Lauren. Inis siyang pumasok sa loob. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa kanilang dalawa.

Pagpasok ko. Bigla kong naaninag kung sino ang nasa tabi ni Jeth. Yung Zhely na naman na 'yon.

Binalot na naman ako ng inis dahil sa nakita ko.

"Lauren magsalita ka naman diyan." biro ni Zhely kay Lauren na katabi si Drey.

"Isa ka pa Zhely! Lubayan niyo ko!"

Natawa pa si Zhely sa inasta ni Lauren. Tssk. Naiinis din ako pati sa tawa niya.

Maya maya pa ay nakarating na rin kami sa park. 

"Uhuy! Gusto ko no'n bes! Oh!" sabay turo niya sa tindahan ng street foods.

Well, gutom naman ako kaya sinabayan ko naman siya sa trip niya.

"Waaahhhhhhh! Ang sarap! Gusto ko pa!" sambit ni Lauren.

Nakakailang-tuhog na nga ako ng fishball saka kikiam eh. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng ganito. Puro kasi kami cafeteria sa school kaya ito sabik sa mga street foods.

Nakita ko naman yung soon to be mag-jowa sa likod ko. Nakatayo lang sila habang pinagmamasadan kami ni Lauren na kumain. Si Drey naman, kumuha na rin at nagsimulang kumain.

"Hoy lover boy! Ayaw niyo bang kumain?" sambit ni Drey sa kanilang dalawa. "Ikaw Zhely? Nako masarap 'to! Kung ako sa inyo lubusin niyo na! Minsan lang 'to dahil wala nito sa school natin."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now