05

217 72 6
                                    

Shea's POV

Nagpumilit akong pumasok dahil masyado akong maraming ireremedial kapag nagkataon. Pumayag na rin naman si Lauren dahil alam naman niyang hindi naman niya ako mapipilit sa gusto niya.

Well, alam ko namang nag-aalala siya sa kalagyan ko pero hindi ko pwedeng ipagpaliban yung pag-aaral ko dahil lang sa pambubully nila sa akin.

Nakapasok na rin kami ni Lauren sa mismong glass door ng school at buti na lang ay wala namang nakahandang patibong yung T3. Who knows? Baka naman mamaya?

As usual ay marami na naman akong naririnig na bulungan.

"Hindi na ba siya nadala?"

" Naaasar na talaga ko diyan! Pumasok pa siya. Kung ako sa kanya mag-tatransfer na lang ako"

"Who knows? Kaya siguro gusto niyang magpabully sa T3 ay dahil may gusto siya sa isa sa mga miyembro non!"

"Oh My Gahd!! Marami na talaga ang desperada ngayon hano Trina?" simpleng tingin lang ang ibinigay ko sa kanya pero inirapan lang niya ako.

Pumasok na ako sa mismong classroom namin. Nagkukumpulan yung mga kaklase ko sa harapan at parang mayroon sinusulat sa board.

"Ayan na yung panget!" dinig kong sambit ni Kian na isa sa mga kaklase ko. Tumabi sila para makita ko ang nakalagay doon!

Nagulat ako ng makita ko ang isang malaking larawan na nakalagay mismo sa harapan.

Yung picture namin ni Marcus na niyakap niya ako para itali yung jacket sa baywang ko! Sabi na nga ba isa ito sa mga patibong ng T3!

Nakita ko pa sa board ang ilang mga sa sinulat ng mga kaklase ko sa board.

'Youre a bitch'

'Slut!'

'Pangit!'

Kung ano-ano pang masasakit na salita ang natanggap ko ngayong umaga.

Hinawakan ako ni Lauren sa braso pero kinalas ko lang iyon. Animo'y may sariling isip ang paa ko. Kusa na lang itong lumakad palayo dito sa kinaroroonan ko. Napahinto ako sa isang malaking kwarto. Pagkakita ko pa lang doon sa pangalan na nakasulat sa pinto ay napakuyom na kaagad ang kamao ko.

Nakita ko kung paano sila nagtatawanan. Inis akong pumunta sa harapan nila.

"Nasan nga pala si Marcus?"tanong ni Jethroy.

"Baka tumatambay na naman sa soccer field." dinig kong sambit naman ni Drey na nasa tabi niya.

Nakita kong nakatingin na sa akin si Drey ngayon at saka napangiti.

"Look bro! Chubs is here!"

Nakita ko kung paano unting nagslow motion yung pagbaling ng tingin ng impakto na si Jethroy Andrada. Mas lalo lang tuloy umakyat ang dugo sa ulo ko.

"Oh Chubs! Nice to see you again! Nakita mo na ba yung picture na regalo ko sa'yo? Kunin mo na. Diba gusto mo si Marcus?"

Sa halip na pasalubungan ko siya ng isang magandang umaga ay isang magandang sampal ang sumalubong sa kanya. Nilakasan ko talaga ang pagkakasampal sa kanya para maramdaman niya yung sakit ng mga pinaggagagawa niya sa akin. Patuloy lang ako sa ginagawa kong pagsampal sa kanya hanggang sa hawakan ni Drey yung kamay ko at itulak ako palayo.

"Chubs stop it!"

I don't care if he beat me up! Tanging galit lang ang meron sa akin ngayon.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now