04

239 74 7
                                    

Shea's POV

"Good Morning Chubs." at saka siya ngumiti ng nakakaasar.

I know. Siya ang may kakayahang gumawa nito. Nababalutan ang buong katawan ko ngayon ng pintura.

Kapag talaga sinalubong mo yung umaga mo kasama yung tukmol na 'to! Walang magandang mangyayari!

Damn!

"Gago ka talagang tukmol ka! Hindi mo ba talaga ko titigilan ha??" sigaw ko sabay duro sa mukha ni Jethroy.

"Hinding hindi...." tipid na sagot niya at saka tinaasan ako ng kilay.

Nakita ko naman si Marcus na tinatapik sa balikat si Jethroy.

Aalis na lang sana ako ng natapakan ko ang isa sa mga nagkalat na balat ng saging sa semento at dahilan para madulas ako. Malakas ang pagkakabagsak ko kaya nahirapan akong tumayo. Ramdam ko ang sakit ng tuhod ko. Nalagyan na nga ako ng pintura, tapos ito naman. Unti unti na ring tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigil.

Hindi pa doon natatapos, tumama sa mukha ko ang mga itlog na binbato ng mga estudyante sa paligid ko. Bihuhusan pa ko nila ng harina. Tiningnan ko ang mga bumabato sa akin at nakita ko ang saya sa mukha nila habang binabato ang isang katulad kong walang kalaban laban.

"You're so ugly!"

"Umalis ka na nga! Hindi ka naman nababagay dito e!"

Kasalanan ko ba kung pangit ako? Masama bang mamuhay ng normal ang isang katulad ko? Diba hindi naman?

"Uy mukhang makakabuo na tayo ng cake dito ah! Kandila na lang kulang."

"Ayan ang nababagay sa'yo! Tabachoy!"

"Ang lakas niya kasing sumagot sa T3 ah! Ayan! Haha"

Dinig na dinig ko ang pangungutya nila sa akin. Sinundan pa ito ng pagtama ng mga bala ng pellet gun mula sa iba't ibang parte ng katawan ko. Tiningnan ko lang silang lahat. Wala akong magawa.

Naramdam ko na lang na tumahimik ang lahat ng may umalalay saking tumayo. Si Lauren!

Hindi ko alam kung bakit ganito katahimik yung mga tao. Nagulat ako dahil hindi nila magawang batuhin si Lauren. Bakit? Ano meron sa kanya?

"Bes! Tara na." Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Dinala na niya ako sa dorm namin. Pinapaligo niya muna ako at saka pinaupo para mapahiran ng gamot yung sugat ko.

"Ouch.. teka lang! Masakit!" sigaw ko. Napakasakit kaya! Ang hapdi!

"Anong teka? Tiisin mo Bes!"

Pinilit kong inayos yung posisyon ko dahil may sasabihin ako sa kanya. "Lauren mayroon ka bang nililihim sakin? Napansin ko lang kanina noong dumating ka, bakit hindi ka nila magawang batuhin. Anong meron?"

Tiningnan niya ako. "Kapatid ko siya."

Ano?! Biglang nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala.

"A-ano?!!! Sinong siya?!" Ngayon ay nangingibabaw ang boses ko sa buong kwarto.

"Kapatid ko si Jethroy Andrada." nagulat ako sa mga salitang ibinulalas niya. Apat na salita lang yun pero ginugulo ang utak ko no'n.

"Pwedeng pakiulit? Baka nagkakamali lang ako ng dinig." Pangungumpirmi ko pa ulit. Hindi pa rin kasi tuluyang ina-absorb ng utak ko ang mga salitang nakalap ko

Nginitian niya lang ako at saka inulit muli yung sinabi niya. "Kapatid ko si Jethroy Andrada."

Biningaw ako ng katotohanan. Fuck.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now