21

80 35 0
                                    

Lauren's POV

"Bes hey! Uso sagot!"

"Sinabi ko naman nga sa'yo na hindi ako gusto no'n!"

Naiinis na talaga ko sa dalawa na 'yan! Napakagulo!

"E pano si Marcus niyan? Mukhang gusto ka din naman ng tao."

"Then so be it. Kung si Marcus talaga, okay lang. Natuturuan naman yung puso diba?"

"Malay ko! Abe! Abe! Hindi pa naman ako nagjojowa. Ano akala mo sakin? Expert?" pangangatwiran ko.

Nakakalasing ata yung dalawang plato na spaghetti na kinain niya sa cafeteria.
Kung ano ano na tuloy yung pinagsasasabi niya. Muntanga na tuloy. Hayst!

"Gomez! Pinapatawag ka na ni sir. Ikaw na daw maglalaro." sambit ng isa sa mga miyembro ng sports club.

"O ayan sige kain pa bes! Kain pa!"

Hindi pa niya nauubos yung pangatlong plato niya ng spaghetti.

"Woii!! Lauren Gayle! Pa'no gagawin ko dito?" Natataranta na tuloy si gaga. Eating is life ang motto ni Shea. Di bali nang matalo, nakapag-spaghetti naman.

"Abay malay ko! Iwanan mo na yan diyan! Gusto mo bang matalo?"

"Sabihin mo kay sir wait lang kasi kumakain pa!"si Shea habang tuloy sa pagsubo ng spaghetti.

Kitams? Sabi ko sa inyo eh. Eating is lifeee! Basta pagkain!

Tumango naman yung estudyante para sabihin yung pinapasabi ni Shea.

"Bes! Marami pa namang pagkain diyan. Hindi ka mauubusan kaya tara na!" Hinila ko na siya. Baka mamaya ma-disqualify pa 'to dahil sa katakawan niya.

Takaw kasi eh. Hayst!

Pagkapunta namin do'n sa assigned room nila ay bigla akong tiningnan ng nakakatakot ng blonde na tiga-Pewter.

"Bes! Uy!"

"Bakit na naman ba Lauren Gayle?!"

"HUHU! Tinatakot ako nung impaktita na 'yon sa tingin niya!"

"Ede wag mong tingnan."

Kita mo yon! Ang tinong sumagot, diba?

"Hoy! Pag natalo ka don sa blonde na yan lilitsunin kita!"

"Taena mo Lauren Gayle!"

Shinea's POV

Tinawag na ako ng nagbabantay para pumwesto doon sa table na inassign niya.

Tiningnan pa ako ni blonde at saka ngumisi.

Umupo na ako. May nagbabantay sa amin sa table.

White side naman ang napunta sa akin ngayon. Nag-open naman ako sa queen side na ginaya naman ni blonde.

Malakas ang depensa niya kaya mahirap siyang atakihin. Bantay ang bawat opisyales niya.

Pantay lang kami ng puntos sa mga nakain na opisyales.

Matatagalan ako sa pag-asinta nito ng plano.

Nginisihan niya pa ako nung ako na yung tumitira. Tssk.

Maya maya pa ay sinubukan kong sirain yung depensa niya. Medyo natagalan pa yung kamay niya sa itaas ng piyesa. Animo'y nagdadalawang isip kung iyon yung ititira niya.

"I know your weakness." simpleng sambit ko.

Nginisihan niya pa ko ng nakakaasar at saka pinandilatan ng mata.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now