25

84 32 0
                                    

Jethroy's POV

Nagmamadaling bumaba si Chubs sa stage.

Animo'y may sariling mundo ang mga paa ko at agad siyang sinundan. Wala na akong pakialam kung saan pa siya magpunta. Hahabulin ko siya.

Ang bilis ng lakad niya kaya ang hirap niyang masabayan. Di ako sumuko. Kailangan ko siyang makausap.

"Chubs.... Kausapin mo ko, please."

Ayaw niya pa rin akong pakinggan. Mas lalo lang siyang nagmamabilis.

"Chubs please." hinawakan ko na siya sa braso at saka iniharap sakin. "Chubs, kausapin mo naman ako."

Ayaw niya talaga akong kausapin. Nakayuko lang at walang kibo.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw si shadow girl?" diretsong tanong ko sa kanya.

Seryoso siyang tumingin sa akin. Animo'y napuno ng galit ang kanyang mga mata. She smirked before answering my question. "Ask yourself first, Jeth. Ilang beses akong nakiusap sa'yo no'n. Have you ever listened once? Nakahanda na ko para sabihin sa'yo ang lahat... pero mas pinili mong pakinggan si Jade."

Bigla akong napatahimik sa sinambit niya. Animo'y bala na tumatagos sa dibdib ko ang mga salita na ibinabato niya.

"Hindi mo ko pinakinggan Jeth!" Nagsimula ng umagos ang mga luha sa mga mata niya. "Mas pinili mo yung sinasabi ng iba kaysa sakin. Mas pinili mong husgahan ako base sa sinasabi nila. Am I not worth listening to?"

"No. You are more than enough to listen."

"More enough? Handa kong buksan ang sarili ko para sayo non, iparinig sa'yo ang boses ko ngunit bago ko pa gawin ay hinusgahan mo na ako katulad nila."

Kasabay ng pagpatak ng mga luha naming dalawa ang buhos ng malakas na ulan.

Hinawakan ko siya sa balikat niya. "Sumilong ka. Magkakasakit ka."

Marahas niyang inalis ang kamay ko sa balikat niya.

"Para kong paulit-ulit na sinasaksak Jeth sa mga sinasabi mo sakin no'n. Nasira yung buhay ko, yung pag-aaral ko, yung pangarap ko dahil sa'yo." itinulak tulak niya pa ako habang hinahampas ang dibdib ko. "Lahat yon nasira dahil sa'yo!"

"I'm sorry."

"Sorry? May magagawa pa ba yung sorry mo para ayusin yung buhay ko? Sirang sira na ko Jeth. Sinira mo ko."

Nag-uumapaw na ang luha ko. Napapasabunot na lang ako dahil sa inis ko sa sarili ko. "But my love will do. Aayusin ko lahat. Magsisimula ako. Please Shea. Just give me a chance. I'm begging you."

"Maaayos mo? Sigurado ka?" sarkastiko ang tono niya. Halatang nasasaktan na rin siya.

Hinawakan ko yung kamay niya at seryosong tinitigan siya sa mata. "Walang kasiguraduhan, mahal but I will do everything to make you feel better. There's one thing I am sure of, I love you. Damn much."

"Ilang beses mo ng sinabi yan kay Jade?!" Tinaasan na niya ang boses niya. Halatang punong puno ng emosyon.

Hinawakan ko ang mukha niya at siniil ng halik ang mga labi niya. Ito lang ang naisip kong paraan para mapatunayan sa kanya kung gaano ko katotoo sa mga sinasabi ko. "I love you. I love you... I love you... I love you..." paulit ulit kong binigkas ang mga salita na iyon sa kanya. Hindi ako mapapagod.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now