08

162 63 7
                                    

Shea's POV

Pagkapasok pa lang namin sa glass door ng school ay nagkukumpulan na naman yung mga estudyante. Ano meron? May bagong bubullyhin? O baka ako pa din.

Nakita ko naman yung T3 doon sa gitna habang pinapalibutan ng tatlong powerpuff girls.

"Baby Jeth para sakin ba yan?" Boses yon ni Blosmin na animo'y parang linta kung makadikit.

Napansin ko naman si Bubbly na tinabig si Blosmin para makalapit kay tukmol. "Tabi muna mga kutong lupaaa!" Umakmang kukunin nito ang kung anumang hawak ni tukmol. "Oh thank you Babyyyy!"

Inis na iniwas ni tukmol yung dala niyang bouquet at stuffed toy.

Wala naman akong pakialam sa mga powerpuff girls na yun. Kaya hindi ko na pinansin. Papaakyat na sana ako ng biglang tawagin ako ni Drey.

"Shea!" kumaway sakin si Drey kaya naman nginitian ko na lang. "Si Jeth oh! Yung manliligaw mo!"

Shemayyy!!! Nakakainis! Sinabi ko nga palang ligawan niya ko. Tapos ito, tinotoo na nga. Tapos ginawa niya pa dito sa maraming tao.

Teka! Ako pa ba lalapit?

Hindi na nga ako makagalaw sa kintatayuan ko. Pakiramdam ko tinutusok na ko ng mga estudyante ngayon.

Nagulat naman ako ng bigla akong hilahin ni Lauren. "Hoy gaga saan mo ako dadalhin ha?" Binitiwan niya lang ako ng nandoon na ko sa tapat ni tukmol. Sumulyap ako kay Lauren at binigyan ko siya ng 'mamaya ka sakin' look.

"Ehem!" napaubo naman si Drey. "Bro! Uy bro!" Tinapik pa niya si tukmol sa braso.

"Oh! P-para sa'yo!" pilit na binigay ni tukmol yung bouquet pati yung stuffed toy na baboy. Umiiwas siya ng tingin sakin habang binibigay yon.

Kanina ko pa tinitingnan yung baboy. Ang cute kaso parang nakakainsulto naman.

Nakita ko naman si Lauren na kinurot-kurot yung stuffed toy na baboy na 'yon. "Hala ang cute! Infairness bes ah! Hindi kayo nagkakalayo ah!"

Bigla na namang nag-usok yung ilong ko dahil sa sinabi ni Lauren. Si Tukmol naman ay humahagalpak na tila nakalunok ng microphone dahil sa lakas.

"Gusto mo sa'yo na lang oh!" Dahil sa inis ko ay ibinato ko na lanv yung staff toy sa sahig. "Magsama kayo ng kuya mo!"

Naglakad na ko papaalis dahil sa inis. "Oy bes. Hindi naman 'to sasama sakin eh. Hindi naman ako yung nanay nito! Bes!"

Nagpunta na lang ako sa cafeteria para kumain. Ikakain ko na lang yung galit ko. Hmmp.

Nakalapag na sa lamesa ang binili kong spaghetti, sandwich and donut na nasa platito. Bumili na rin ako ng sprite in can. Nakakagutom.

Kukuhanin ko na sana yung fork sa may plato ko ng bigla itong inagaw ni tukmol.

Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Sa oras nitong gutom ako, kapag di niya pa binigay yan baka siya ang kainin ko.

"Oh easy!" Saka siya ngumisi ng nakakademonyo.

Umupo siya sa upuan sa harapan ko. Kinuha niya yung spaghetti ko kaya naman nagwewelga ang sikmura ko. "Wag kang magkakamaling kainin yan kung ayaw mong ikaw ang makain."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now