38

92 25 0
                                    

Shinea's POV

Nasa labas kami ng diplomat hotel, kagagaling lang namin sa loob. Nagtataka ako dahil napakatahimik ni Lauren. Hindi niya magawang mag-ingay katulad ng dati.

"Hoy tuta! Himala! Ang tahimik mo." pang-aasar ni Drey pero hindi niya ito magawang pansinin.

Dati lagi siyang sumasagot kapag ginaganyan siya ni Drey. Naghihiyawan pa nga sila eh. Ano nangyari ngayon?

"Naiilang ka pa rin ba dahil umamin ako sa'yo?!"

ANOOOOO???!!!! 

Bigla akong nabigla sa narinig ko.Napatakip ako sa bibig ko. Kung si Drey may gusto rin kay Lauren, at si Lauren may gusto kay Drey, alam na 'to. Na-iimagine ko na kung paano sila magsasabog ng kaingayan sa mundo.

Kinurot ko sa tagliran si Lauren sabay bigay ng mapang-asar na tingin. "Maglubay kayong dalawa."

Walang reaksyon ang boses ni Lauren. Nakakapagtaka na ang kinikilos niya. May nahuhinuha na kaagad ako sa isipan ko. Parang may hindi na tama sa nangyayari.

"Hoy tuta! Anyare sa'yo? Nasapian ka ba? Hoy!" inalog-alog lang siya ni Drey. 

Binalingan siya ni Lauren at binigyan ng masamang tingin. Nanlaki naman bigla ang mata ni Drey.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ni Drey, bakas ang pagkatakot. Lumapit pa siya kay Jeth saka kinalabit ito. "Lover boy! Yung kapatid mo sinapian na ata!"

Pinukpok naman ni Jeth yung ulo ni Drey. "Loko! Edi sana nagwawala yan ngayon kung nasapian." ani Jeth. "Alam mo? Tinatakot mo lang yung sarili mo."

Mayroon na talagang hindi tama sa mga nangyayari. Hindi tatahimik ng basta basta si Lauren, alam kong may dahilan. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jeth nang mapinsing tahimik ako.

"I'm not okay Jeth. Hindi maayos ang pakiramdam ko."

Pinasakay na niya ako kaagad sa kotse. Nanatili lang akong tahimik at hindi nagsasalita kahit alam kong tinatanong niya ko.

"Hala bro!! Nasapian na rin ata yung my loves mo!"

"Maglubay ka Drey Adriano, kung ayaw mong iwanan kita dito!"

Sunod naman kaming nagpunta sa Camp John Hay. Maganda ang tanawin pero hindi ko magawang aliwin ang sarili ko. Pinupuno pa rin ang isipan ko ng pagkabagabag.

"Hoy! Napakatakaw mo Drey!" sigaw ni Jeth. Inubos kasi ni Drey yung nasa platter na binili nila.

Tahimik lang ako dito habang pinagmamasdan si Lauren. Bakas ang pagkabalisa sa kanya at hindi rin magawang kumain. Palinga-linga pa siya at animo'y may hinahanap sa paligid.

Nagpaligsahan si Jeth at si Drey kung sino mauuna sa yellow trail, ang layo na nila habang kami ni Lauren ay halos nasa umpisa pa lang. 

"Bes." tawag ko sa kanya pero hindi siya namamansin. Mabagal lang siyang maglakad, nakayuko at halatang malalim ang iniisip.

Hinawakan ko siya sa braso para iharap sa akin. Nanginginig siya. Puno ng takot ang mga mata niya. "Lauren Gayle. Sumagot ka. Ano ba nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Napatalungko siya at biglang napasapo sa ulo niya. "Mayroong hindi magandang mangyayari bes. Natatakot ako."

Patuloy lang ako sa pakikinig. Kasabay ng kuryosidad, hindi ko rin mapigilang matakot sa maaaring ibulalas niya.

Nilapitan ko siya at tumalungko na rin ako. Hinawakan ko siya sa balikat niya. "What is it Lauren? Sabihin mo sakin."

"I saw her."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now