Prologue

261 19 2
                                    

Prologue

**

Nasa labas ako ngayon ng hacienda. Naiinis pa rin ako kay Daddy dahil sa gusto niya akong maging prinsesa na lang at huwag ng magtrabaho pa. Meron naman daw kaming mga salapi bakit kailangan ko pang magtrabaho. Inindihan naman agad ni Mommy iyon.

Napawalk out ako dahil gusto kong magtrabaho sa isang kumpanya. Gusto kong maranasan kahit papano ang maghirap. Ayoko ng feeling reyna at prinsesa na lang habang buhay!

"Celestine Zarei! 'Di pa tayo tapos mag usap! Nasan ka na?! Lumabas ka ngang bata ka rito!"

Nakita ko si Daddy na naglalakad palabas kaya bago niya pa ako makita ay nagtago na ako sa isang malaking flower vase sa may garden.

"Celestine!" sigaw niya ulit pero 'di ako nagpakita sa kaniya.

May mga nakita akong langgam sa may malapit sa malaking paso. May maliliit at may malalaki. 'Yung mga matataba at mahaba. Iniiwasan kong mapadikit sa mga langgam pero hindi ako magkasya kaya naman pinilit ko na lang ang sarili ko pero hindi ko pa rin pinapatama ang kamay ko sa paso.

"Ronnel! Pumasok ka nga rito! Ginugulo mo na naman anak natin sa gusto mo!"

Kita kong palabas si Mommy habang hawak hawak ang kaniyang mahabang palda na sumasayad na sa sahig. 'Yan kasi ang gusto ni Mommy. Gusto niya mala reyna ang dating.

"Ethel kailangan kong makausap anak natin! Ayokong mapagod siya sa pagtra-trabaho."

Nakakainis talaga si Daddy. Mas gusto niya pang maging buhay prinsesa ako kaysa kumayod. Gusto ko lang naman maging independent sa sarili ko.

"Celestine has already grown up Ronnel! She needs to be independent. Wag mo siyang ikulong sa hacienda lang!"

Si Mommy alam niya lagi ang naiisip ko. Alam niya ang gusto ko sa hindi kaya ngayon ay sine-save niya ako mula kay Daddy.

"Kung magtra-trabaho siya do'n siya sa Europe. Nando'n ang business natin, nando'n ang company natin kaya dapat doon siya pero mas gusto niya sa Pilipinas. Mas gusto niya pa sa ibang kumpanya!"

Tinaboy ko ang mga langgam na nasa braso ko na. Masakit silang mangagat at nangangati na ang kaliwang braso ko.

Gusto ko kasing maranasan na kapag nagtrabaho ako sa ibang company talagang macha-challenge ako at hindi ako magiging reyna-reynahan.

"That's what your daughter wants! Let her be!" sigaw ni Mommy sa kaniya.

Nakita ko ang mga langgam na umaakyat na sa paa ko kaya napapadyak ako ng mahina at naiinis na sa isip ko. Bakit dito ko pa kasi naisipan na magtago! Nakakainis naman!

"Bahala nga kayong mag ina!" My dad walked out. Siguro ay napuno na siya sa pagsusuway sa akin.

Napatingin sa gawi ko si Mommy kita kong umiling pa siya pero bigla din siyang ngumiti.

"Labas na, Celestine. Kanina ko pa alam na nand'yan ka. Ikaw talagang bata ka."

Ngumisi ako sa kaniya at lumabas na. Pumasok kami sa isang kubong maliit na malapit sa may garden.

Kinati ko ang braso ko at paa ko. May mga namamaga na at nagkulay red na ang iba. Napansin ni Mommy 'yun kaya mabilis niya akong dinaluhan.

"Oh my gosh, Celestine! What happened to your arms? Sino ba kasi nagsabi sa 'yo na magtago ka sa paso na iyon?" medyo pagalit na sabi ni Mommy.

Isang beses ko pa itong kinati. Pati likuran ko nararamdaman ko na nangangati na ito.

"I'm sorry, Mom... kagat ng mga langgam yan. Hindi ko alam na may mga langgam pala sa pasong iyon."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now