Chapter 45

44 10 0
                                    

Chapter 45

**

He left the Philippines...

He left me...

I don't want to believe. Bakit naman aalis ng bansa si Ras? Bakit naman niya ako iiwan? Wala kaming problema, hindi naman kami nag away, maayos ang pagsasama namin kaya bakit niya ako iiwan?

I type a message for Limwell.

Me:

Stop joking around, Limwell. Hindi nakakatawa.

I hit the send button.

Nakasalampak ako sa aking kama habang hinihintay ang reply ni Limwell. Iniikot ikot ko ang aking cellphone sa kamay ko at nakatingin sa ibang dako.

Napahinto ako ng may maisip ako. My heart twingled, I quickly shook my head.

Is this revenge? I hurt him but I hate the fact that he hurt me back, too.

My tears fell down again. Umagang umaga ay umiiyak na lang ako over petty things. Hindi pa naman ako sigurado kung umalis nga siya ng bansa. I can't control my heart anymore. Pasakit na siya ng pasakit habang iniisip ko ang kaniyang pag alis. Why would he leave me?

My phone rang. Hindi siya text message kung hindi call galing kay Limwell. I answered it.

"Celestine, let's meet." Bungad niya agad sa'kin.

Napahinto ako. I cleared my dry throat, "Where? Gusto din kitang makausap kung totoo ang mga sinasabi mo."

I heard him chuckled, "Mukha ba akong nagsisinungaling? I won't lie to you, Cels. Lahat ng sinasabi ko totoo."

"Kung ganoon, bakit siya umalis? Bakit niya ako iniwan?!"

Hindi ko na maiwasan ang magtaas ng boses sa kaniya dahil nasasaktan ako ngayon. Wala akong kaalam alam na aalis siya ng bansa. Damn! For what?! Business meeting?! Business trip?! Ano? Ano ang kaniyang dahilan?

"Let's meet. Starbucks near LVEI, 10am."

Hindi na ako sumagot at binaba ko na ang tawag. Sinapo ko ang aking ulo at umiling. Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa'kin?

Can someone tell me that I am worth it, I need someone to hug me and tell me I'm not worthless as I think I am.

I wiped my tears from my eyes using the back of my palm. I hate it when I am begging for myself to stop crying because my heart is breaking into pieces.

I remember the day he told me he won't leave me. But where is he now?

Mabilis akong nag ayos dahil kailangan ko rin magmadali. Pupunta pa akong DAE Philippines at aasikasuhin ko pa ang company.

Si Richleu naman ay nakikipagmeet na rin sa akin mamaya kaya naman kailangan mabilis lang talaga ang pakikipagmeet ko kay Limwell.

Iniisip ko kung makita kami ng girlfriend ni Limwell baka magalit pa siya sa amin at magselos. Mukha pa namang mataray si Cylline at kung makalingkis kay Limwell ay parang anytime maaagawan ito. Napaka clingy.

Agad kong naabutan si Limwell na nakaupo sa may dalawahang upuan sa may bintana. Nakatutok siya sa kaniyang cellphone at mukhang may ka-text siya.

Agad akong naglakad patungo sa kaniya kaya nung nakalapit ako ay mabilis niyang tinago ang phone niya at ngumiti sa'kin.

"Good morning, Cels. What do you want to eat?" tanong niya.

He is still a gentleman dahil pinag usog niya ako ng upuan. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at binati rin siya.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon