Chapter 25

51 11 0
                                    

Chapter 25

**

Is he pedophilia? Pedophile? Child target?

We're five years gap for pete's sake! Matanda siya sakin kaya hindi siya pwedeng manligaw sakin. Pinagloloko niya ba ako?!

Tila isang tambol ang aking puso sa pagtibok nito ng malalakas. Hindi na ako makatingin ng diretso sakanya. Hindi ko alam kung totoong gusto niya talagang manligaw sa akin pero para sakin ay di talaga pwede.

"Smith..." his sweet voice almost gone pero marahan pa rin ang kaniyang boses.

Umurong ako sa kaniya dahil kahit papano ayokong magdikit ang balat namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko! Bumabalik din sa isip ko ang crush ko kaya mas naguguluhan ako.

"Please... wag mo kong layuan. Don't reject me..."

Mas naging determinado ang kaniyang boses kaysa sa kaninang sinabi niyang liligawan niya ako. Kitang kita ko ang sensiridad sa kaniyang mga mata. I licked my lower lip.

Humugot ako ng lakas ng loob para tignan ko siya ng diretso sa mga mata niya. I became more serious when our eyes met. Hindi ko pinansin ang tibok ng puso ko.

"Hindi tayo pwede..." buong lakas kong sabi.

Napaawang ang kaniyang bibig. Namamawis ang kaniyang noo at bumigat ang kaniyang paghinga.

"Smith... baby? Bakit hindi pwede? Ano ang hindi pwede rito? Tell me! What's wrong with this?"

Baby... everytime he calls me baby why there are crickets inside my stomach?

"Walang mali!" I hissed. "Ayoko lang paligaw sa iyo! Kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin mas maganda if you keep it on yourself."

He shook his head. "Let me please?" nagsusumamong sambit niya. "I won't stop."

I shook my head and I grinned my teeth. "May gusto na ako, hindi tayo pwede. Ayokong paligaw sa 'yo! Hindi ikaw ang gusto ko!"

Sa totoo lang mas malaki pa nga ang agwat namin ng crush ko kaysa kami ni Ras. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw kong magpaligaw kay Ras. Kung bakit ayaw ko sa kaniya.

Nawala ang kaniyang emosyon. He looked directly on my eyes. "The fucking who, Smith? Who's that bastard?"

"You don't need to know. We're here to enjoy and not to fight. Hindi rin tayo nandito para makealam ng privacy ng isa't isa!" I yelled.

I was about to turn around when he touched my arms. Pwinersa niya akong hiniharap sakanya. Napahinto ako at nanlaki ang mga mata ko sakanyang ginawa.

"Ras!"

"I want to kill that bastard, Smith. Please... tell me, who is he?"

Base sa kuwento ni Ras ay matagal niya na akong kilala at siguro ay ngayon ko lang siya napansin sa hacienda. And moreover, matagal na siya sa hacienda, right?

Posible kayang mahulog ka sa isang tao na hindi mo naman nakakausap at nakakasama? May mga posible at mas may lalong mga impossible dahil una sa lahat 'di mo siya kilala ng lubusan.

I sighed. It is possible. Nahulog nga ako sa taong never ko pang nakausap pero kasi naman babae ako at marupok, hindi lang talaga ako makapaniwala kay Ras.

"You don't need to know nga. Aalis na ako." pilit kong inaalis pagkakahawak niya sa akin pero mas hinigpitan niya to.

His teeth clenched and his adam's apple moves up and down. I saw an anger on his face and eyes.

"Smith..."

I smiled. "Bata pa ako and you're old enough for me! Makikita mo na ang para sa 'yo pero ako? Hindi pa, ayokong mahalin mo ko o kung ano pa yang nararamdaman mo para sa akin. I'm not the right girl for you."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now