Chapter 43

49 10 0
                                    

Chapter 43

**

Kanina ko pa binabawalan si Ras sa pagmumura niya kay Stan dahil sa pagbigay ni Stan ng number ko sa kinuha niyang private investigator.

He's so possessive. Napakaseloso at napakaprotective. Gusto niya siya lang, siyempre kahit ako ay mas gusto kong ako lang.

Nandito pa rin kami sa office. Kakatapos lang namin kumain. Si Ras ang nakausap ni Richleu nang tumawag siya. Ang sinabi ng Private Investigator ay magkita na lang daw kami.

Katapos kong magbihis at inalis ang formal attire ko ay lumabas na ako restroom. Nakita ko si Ras na nakaupo pa rin at nakayuko.

"I'll come with you," anito habang inaayos ang sintas ng kaniyang sapatos.

Tumango na lamang ako habang nag aayos sa harapan ng salamin. Mukha na akong haggard dahil sa pagkabusy ko kanina. Mabuti na lang at dala ko ang aking powder and liptint.

Gusto ko siyang tanungin nung nangyari sa kanila ni Graella pero iniisip ko na huwag na lang dahil baka magselos lang ako at mag away na naman kami. I don't want to have a fight with him.

"Bakit ka pa nag aayos?" tanong niya ngayong nasa likuran ko na siya.

"Ang haggard ko. Mukha akong ewan." nilagay ko ang liptint sa aking labi at cheeks pagkatapos ay binalik ko ito sa bag.

"Much better. Mas magandang haggard ka. Lalaki ang ime-meet natin at paano -"

"Ang lawak mong mag isip." Tinaasan ko siya ng kilay.

Next kong inayos ay ang buhok ko. I cut my hair till my shoulders when I was in Europe kaya medyo humaba na rin siya ngayon.

"I can't help it. You're so beautiful."

I pouted my lips at hindi na lang pinansin ang kaniyang sinabi dahil kitang kita ko sa salamin kung paano namula ang pula ko ng pisngi.

May kumatok sa pintuan ng opisina ko kaya naman agad kong tinigil ang ginagawa ko at binuksan ang pintuan.

I saw Kuya Charlie raise his eyebrows in a malicious way when he saw Ras inside my office.

"Raius, bro. What are you doing here? Ayos na ayos kayong dalawa ha?"

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin pero inirapan niya lang ako. Para bang wala siyang nakita na ginawa ko sa kaniya.

"I'm here to pick Celestine. We will just eat outside. Mukhang gutom na gutom na ang baby ko." nakangiting sambit niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya sabihing makikipagmeet kami sa isang private investigator dahil sa anumalya sa company. Hindi alam ni Kuya Charlie na Ras secretly helped us.

Kita kong ngumiwi si Kuya dahil sa sinabi ni Ras na 'baby ko' kahit naman ako ay namumula na ang mukha ko ngayon. Ano ba naman 'yan? Nagpapakilig agad agad, e.

"Alright. Huwag kayong magpapagabi. May mga gagawin pa si Celestine sa hacienda mamaya."

Lumipat ang tingin sa'kin ni Kuya Charlie na parang nangingiusap siya gamit ang aming mga mata kaya tumango ako.

"I will. Don't worry. Akong bahala sa kaniya."

Lumabas na si Kuya Charlie sa opisina kaya naman humarap ako kay Ras na ngayon ay nakatingin din sa'kin.

"Tutulungan kita mamaya sa gagawin mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "No need. Sa hacienda ko gagawin ko iyon at hindi dito. Kaya ko naman, Ras."

Nanliit ang mga mata niya pero nginitian ko na lamang para hindi na siya magpumilit sa gusto niyang gawin.

Napansin namin na may naghihintay na isang lalaki sa may dulo ng restaurant malapit sa may bintana.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon