Chapter 40

67 12 1
                                    

Chapter 40

**

May usapan kami ni Vanner ngayon na magkita sa isang restaurant. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakasama dahil sa pagiging busy ko na sa trabaho at bumalik din siya ng Macau for two weeks.

I didn't expect that three weeks had passed simula nung inamin ko kay Raius ang nararamdaman ko. Ngayon ko pa lang din natapos ang plano ko para sa kaniya.

I folded the papers and put them back inside the cabinet. I stood up from the swivel chair and started to walk through the big mirror inside my office.

Inayos ko ang aking hitsura sa harapan ng salamin ng tumunog ang intercom. I pushed the button.

"Good Morning, Ma'am Celestine. Nandito na po si Sir. Vanner sa baba at hinahanap na kayo,"

"Okay. Pakisabi, hintayin niya ako."

I ended the call. Kinuha ko ang shoulder bag na nakapatong sa taas ng table at nagsimula ng lumabas sa aking office.

Some employees greet me with a smile on their lips. I nodded my head as my response dahil mabilis ang ginagawa kong paghakbang.

"Celestine!"

Napatingin ako sa isang sulok kung nasaan si Vanner. He's waving his hands while smiling.

"I miss you!"

Niyakap niya ako nang makalapit siya sa'kin. Kahit awkward ay niyakap ko rin siya pabalik.

"I miss you, too, Vanner. Kamusta si Tito sa Macau?"

Years ago nung nalaman namin na may sakit ang kaniyang Daddy kaya siya nandito ngayon para makipag partnership sa amin nila Kuya Charlie, tinanggap naman namin dahil alam kong nangangailangan na talaga sila. Ilang taon nang ginagamot ang kaniyang daddy pero walang nangyayari. Nauubos na ang kanilang pera.

Humiwalay siya ng yakap sa'kin and he sadly shook his head. "W-Wala pa rin..."

Huminga ako ng malalin. "Magiging maayos din ang lahat. Tatagan mo lang ang loob mo,"

Ngumiti siya. "Thank you for the help. Thank you for being my energy, Celestine."

Hindi na ako sumagot doon. Hindi ko naman kasi siya pinapaasa dahil alam kong aware siya kung sino na ang taong gusto ko pero makulit din siya katulad ni Ras noon.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya ng makalabas kami.

I shrugged my shoulders. "I don't know. Nasa sa iyo na kung saan tayo pupunta basta ibalik mo ko sa DAE before five o' clock."

Pupuntahan ko kasi si Raius katapos non. Kailangan ko ng umpisahan ang mga plano ko as soon as possible. Ayokong makita pang magkasama sila ni Graella.

Hindi naman pala girlfriend ni Raius! Kung sumagot sa'kin noon ay parang sila. May mga tao nga talagang makakapal ang mukha.

"I will, punta muna tayo sa isang mall malapit may bibilhin lang ako,"

Tinanguan ko siya. Kinuha ko ang aking cellphone at sinubukang i-text si Clarisle para ipa-locate kung nasaan si Ras mamaya kung wala na siya sa LVEI. Kung maaari ay idadaan ko rin siya sa santong paspasan.

Me:

Clarisle. Locate Raius later, 5pm. Thank you!

I hit the send button after I typed it. Alam ko naman na agad itong sasagot dahil laging nasa tabi niya ang kaniyang phone. Unlike me, kapag oras ng trabaho ay nasa locker.

"Saan ka pupunta mamayang katapos ng work mo?"

Naglalakad kami ngayon sa SM City North Edsa. Mahaba kanina ang traffic papunta dito kaya medyo natagalan din kami bago makarating. Kalabas ay mainit na mga usok galing sa kotse ang malalanghap mo.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon