Chapter 44

41 12 0
                                    

Chapter 44

**

One week has passed. Wala pa ring balita sa nangyayari sa kumpanya namin. Nababalitaan ko rin na unti-unting lumalaki ang perang nawawala sa aming pondo kaya naman tinawagan ko kanina si Richleu kung ano ang balita sa kaniyang ginagawa pero ang sabi niya hanggang bukas daw tapos na siya.

Last week, dumating sina Mommy and Daddy dahil nabalitaan nila ang nangyayari sa kumpanya namin dito. Dahil imposibleng hindi nila malaman iyon. They are investing money in DAE Philippines money.

"Ma'am Celestine, Half billion already steal." Kita kong malungkot ang pagkasabi non ni Karen, "Kapag nagpatuloy po ito ay baka biglang mag bankrupt ang DAE Philippines and DAE Europe."

Napamura ako sa aking isip. DAE Philippines is connected with DAE Europe kaya pag nagpatuloy ito ay maaapektuhan ang dalawang Company namin. This is shit! Hindi ko na alam ang nangyayari. Ilan beses na akong nag iisip at nababaliw na ako.

Ayoko namang dumating sa point kailangan namin magbawas ng mga empleyado dahil kailangan nila ng trabaho. Hindi sila puwedeng maalis. I won't let that happen.

"Pahiram ng mga documents. Lahat. Pati na rin lahat ng papeles this year and last year."

Mabilis siyang tumango. "Wait, Ma'am. Kukunin ko lang po sa bakanteng kuwarto."

Hindi na ako sumagot. Kinakabahan at nanginginig ang kamay ko sa pagta-type ng mga napuntahan naming mga Company. Business meetings and others.

Napansin kong nag illaw ang cellphone ko pero hindi ko iyon binigyan ng pansin at hindi ko na rin sinagot. Nakatutok pa rin ang atensyon ko sa monitor habang isa isang ini-scan ang mga drafts, saved files, or other important files.

Napasapo ako sa aking ulo. "Shit! Napaka imposible!"

"Ma'am Celestine, ito na po ang mga papers." Pinatong niya itong mga ito sa taas ng desk.

"Dala mo ba ang mga last year flash drive? Mga receipt?"

Nasa akin ang mga recent files kaya hindi ko na iyon hiningi sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay pinalitan ko si Kuya Kalli sa kaniyang puwesto dahil ganito rin ang kaniyang trabaho. All about papers.

Karen nodded. "Yes po. Heto po."

Hinubad niya ang lace sa kaniyang leeg at binigay sa'kin ang tatlong flash drive na nakasabit doon.

"Hindi pa ba dumarating sila Mommy and Daddy?"

Kanina kasi ay nauna na akong umalis sa kanila. Pinabantay muna nila ang DAE Europe kay Kuya Charlie nung nakaraan pero mamaya ay babalik na rin ng Europe sila Mommy and Daddy.

"Hindi pa po, Ma'am. Tumawag po kanina si Sir. Charlie sa company at kinamusta ang mga pangyayari."

I sighed. "Alright. Thank you."

Sinaksak ko lahat ng flash drives sa laptop. I'm using two laptops para 'yung isa ay sa pag i-scan sa mga saved files ngayon habang 'yung isa ay para sa last year.

"Shit. Kung may nangyayari ngang anumalya sa company namin ay kailangan kong tignan ang mga business partner namin."

Siguro ay para na akong tanga na kausap ang aking sarili pero wala akong magagawa dahil nai-stress na talaga ako.

Kinuha ko ang isang flash drive kung nasaan ang mga pangalan ng mga business partner namin. I ejected the first flash drive before I put the second one.

I scanned their names and their shares pero napailing ako dahil wala akong makitang problema.

"I'm going crazy..." bulong ko, "Oh. Ghad..."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now