Chapter 01

157 16 0
                                    

Chapter 01

**

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Pakiramdam ko kinabahan ako bigla sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro dahil ito ang unang araw ko sa company na hindi ko naman gaanong gusto.

Kababa ko mula sa hagdanan ay nakita ko na sila Kuya Charlie at Cyle na paalis na. Buti na lang at naabutan ko sila.

"Cyle!" I called her, "Paalam ka muna sa Tita mo. Wala ba akong goodbye kiss diyan?"

Ngumuso siya at hinalikan ako ng mabilis sa gilid ng aking labi. Napangiti naman ako at ginulo ng bahagya ang buhok niya.

"See you again, Tita Cels. Babalik na po kaming Europe. Hays! Sasakit na naman ang ulo ko niyan!" reklamo niya.

Ngumisi ako at tinapunan ng tingin si Kuya Charlie na ngayon ay nakikipag usap pa kay Daddy at Mommy.

"Basta kauwi mo dapat nakapahinga ka na para hindi na sumakit ang ulo mo."

She nodded her small head. She even pouted her reddish tiny lips. Kinurot ko muli ang pisngi nito bago kami naglakad patungo kila Kuya Charlie.

"Mag iingat kayo ni Cyle, Kuya..." paalala ko sa kanila.

Niyakap ko pa si Kuya ng ilan segundo bago bumitaw. He caressed my hair and he smiled at me.

"I will. Basta mag iingat din kayo rito. Galingan mo sa first day mo."

Inayos ni Kuya ang wrist watch niyang nagulo dahil sa pagkakahawak nito. Binigyan ko siya ng isang tingin na di niya mabasa.

"Sempre! Ako pa?" I moved my eyebrows up and down.

"Yabang!" sigaw niya na tinawanan ko na lang at nila Mommy and Daddy.

Nakaalis na si Kuya Charlie at Cyle matapos ang ilan minuto namin pag uusap. Binigyan ko silang pareho ni Cyle ng halik sa pisngi ng umalis sila. Mamimiss ko sila, sana magkaroon sila ng time na magstay ng matagal sa Pilipinas.

Naiwan kami sa sala nila Daddy at Mommy. After that, umakyat ako sa taas para palitan na ang sinusuot kong damit. I brushed my hair nung natapos na akong magbihis ng formal, inikot ko ang buhok ko na parang bilog at nilagyan ko ito ng kulay itim na pang ipit, tinignan ko ang hitsura ko sa malaking salamin. Ayos na ang gayak ko ngayon kaya lumabas na ako ng kwarto.

Nakita kong nasa sala pa rin sila Mommy at Daddy, pareho silang nakatutok sa laptop ngayon. I fake a cough para tumingin sila rito.

"Papahatid ka ba kay Manong Ricky?" tanong ni Daddy.

"Dapat lang, Ronnel. Hindi niya alam ang papunta ro'n."

Ngumuso na lang ako at tumango sa kanila. "Yes Mom, Dad."

"Alright. Ready na ang sasakyan."

Nakarating ako sa isang maganda at mataas na building. Sa labas pa lang makikita mo na ang kagandahan nito. Inaamin ko na mas malaki ito kaysa sa kumpanya namin na nasa Europe.

"Thank you, Manong Ricky." I closed the door of the car and started to walk like a model.

Pinagtitinginan ako ng mga employees nang makapasok ako but I just gave them the sweetest smile. May lumapit sa'kin na isang babae.

"Yes po? Sino po sila?"

Tinignan ko muna ang paligid bago ibalik ang tingin ko sa babaeng naka mini skirt at blouse na parang uniform dito. Nakita ko rin sa kaniyang plate name ang pangalan na Eugena.

"I'm Celestine Zarei Arscilla,"

"Ano po'ng appointment?" inosente niyang tanong sa akin na parang hindi alam.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon