Chapter 13

51 13 0
                                    

Chapter 13

**

I woke up early in the morning when the alarm clock rang. Meron nga pala kaming proposal ngayon sa CEO ng JEC. Nakaayos na ako ngayon ng formal dahil natanggap ko ang text message sa akin ni Ate Elisse na kailangan ako sa loob.

Nakachat ko pa rin kagabi si Clarisle at nagpapasalamat siya dahil kahit papano ay gumaan ang kaniyang loob sa mga pinayo ko sa kaniya. It's my job, anyway. I'm her best friend kaya pag may problema siya wala siyang ibang tatakbuhan na una kundi ako. Tita Matilda and Tito Frederick aren't that supportive when it comes to the lovelife of Clarisle kaya sa akin siya tumatakbo kapag may problema siya kay Brione.

Namataan ko sila Ate Elisse at Kuya Kalli sa may isang sulok malapit sa main entrance. Napansin ko rin nandon ang iba nilang mga empleyado. Sina Eugena at Curros ay magkahiwalay dahil hindi sila pwedeng magdikit. Napansin ko na wala pa sina Ras at Limwell siguro ay nag aayos pa sila.

"Good morning Celestine!"

Nakita na ako ni Ate Elisse kaya naman binati niya ako at ganon din si Kuya Kalli sa akin. Pareho silang nakaformal at nakakadala ng tangkad ang three inches na heels na Ate Elisse. She's a good model. She has the tendency to become one.

"Good morning Ate Elisse, Kuya Kalli..."

"Wala pa yung dalawa mukhang nagpapagwapo pa hindi naman sila pupunta sa party. Baka nakakalimutan nila company ang pupuntahan natin," she joked.

"Nagbreakfast ka na ba Celestine?" Kuya Kalli asked me.

I shook my head. "N-Not yet... nagmadali na kasi akong mag ayos at lumabas. Ayoko pong malate..."

"Huh?! Dapat kumain ka muna! May ilan minuto pa naman tayo. Kadating ng dalawa kumain muna kayo. Okay?"

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang dahil hindi rin ako makakaligtas sa gusto ni Ate Elisse. Kinulit din ako ni Kuya Kalli kaya wala talaga akong ligtas.

Ilang minuto ang nakalipas dumating na sina Ras at Limwell. Halos magkasabay lang sila pero nauna ng mga tatlong minuto si Limwell kay Ras.

I was shocked when I saw their faces. Yes they are handsome pero mas gwuma-gwapo sila kapag katutukan mo na ang kanilang mga mukha. Walang kadumi dumi ang mga mukha ng mga ito. They are flawless. Damn! Pakiramdam ko nawawalan ako ng hininga kapag napapatingin ako kay Ras. His wearing his tuxedo with color red necktie while Limwell is the color blue necktie.

Gaya ng sabi ni Kuya Kalli at Ate Elisse. Bago kami pumuntang Jacovsa ay kumain muna kami kaya ngayong nandito na kami sa JEC ay busog na busog ako. Ang dami ba naman pinakain sa akin! Sinisira ng mga Lacrosse Villavista ang diet plan ko.

"Welcome ma'am... sir..." bati ng isang mestizang babae sa may main entrance nila.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakasunod lang ako sa kanila. Bawat kilos nila ay pinapanood ko at kapag business talaga ay nag iiba ang kilos nila. Napakataas ng tindig ng magkapatid na Villavista, habang katabi ang dalawang Lacrosse.

"Appointments?" the woman with a mini skirt and polo shirt and color black coat on it asked.

"Mr. Violla Mangilas. We are the LV Empire Incorporation." The Manly voice of Limwell came.

"Alright sir, this way." tinuro ng babae ang daan kaya nagsimula kaming maglakad muli.

"Cels. Parang gusto kong magtrabaho dito..." bulong sa akin ni Eugena.

Napansin ko si Curros na nakatingin sa amin dalawa. Eugena smiled at him. Hindi ko maiwasan ang maawa sa dalawa dahil lihim na lang silang nagmamahalan. I think, I need to talk with Villavista Brothers.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now