Chapter 05

70 14 0
                                    

Chapter 05

**

Nangabayo kaming muli ni Ras katapos namin magpahinga may mga oras na hinahayaan niya akong mag isa pero nakaalalay pa rin ito sa akin katapos no'n ay pumunta kami sa isang maliit na batis.

Nandito kami ngayon sa may malapit sa tubig at nakaupo sa basang basa na malaking bato. I wonder kung meron pamalit si Ras dahil nabasa na ang damit nito dahil sa tubig ng batis.

"Kung alam ko lang na ganito kaganda ang hacienda dito banda ay lagi na ako rito pero hindi ko alam kasi hindi naman ako madalas lumabas ng hacienda."

Nakatingin kami ngayon sa malinaw na tubig. Kitang kita ang mga bato sa loob nito at ang kulay brown na buhangin nito. Maganda at talaga malamig ang tubig dahil sa bahagyang tumutulo ang tubig sa may bato.

"Huwag kang pupuntang mag isa rito... kahit na sakop pa rin ito ng hacienda niyo ay malayo na ito kaya dapat may kasama ka. Kung gusto mong pumunta ulit dito you can call me."

Hindi ko siya sinagot at inilahad ko ang kamay ko sa tumutulong tubig. Napaurong ako nang maramdaman kong gininaw ako agad.

"Ang lamig naman nitong tubig ng batis, Ras..."

He chuckled, "Malamig lang ang tumutulong tubig pero kapag nasa mismong loob ka na hindi mo na mararamdaman ang lamig,"

"Gusto kong subukan..." mahinahon at pursigido kong sabi.

Tinignan niya ako tumingin din ako sa kaniya. "Wala kang dalang damit..."

I smiled at him and laughed. "That's not a problem Ras!" Tumayo ako at inalis ang sumbrero ko.

"T-Teka... Wait. Hold on, Smith!" Namumula niyang pigil sa akin.

I grinned. "Ikaw lang naman nandito. Okay lang sigurong naka underwear ako?"

"Smith!" Kita kong namumula na ang kabuuan ng mukha niya at parang namamawis na rin.

Inilapag ko sa tabi niya ang sumbrero at inalis ko ang pagkakatali ng damit ko sa likod. Nahulog ito kaya napaiwas ng tingin si Ras dahil bra na lang ang nakatira sakin.

"Fuck..." I heard his curse kaya mas natawa ako. Paulit-ulit itong nagmura habang nakaiwas ng tingin sa'kin.

Sinunod ko ang shorts at inalis na ito. Dahil nakatali na ang buhok ko ay hindi na ako namoblema. Pumunta ako sa may hagdanan pababa ng batis.

"Ras, ayaw mo ba akong samahan?" Tawag ko sa kaniya.

"Shut it, Smith! Don't tease me!" anito.

Ngumuso ako binabad na ang isang paa ko at naramdaman ko na hindi naman ganon kalamig ang tubig pagdating dito. Tama nga si Ras.

Tinapunan ko ulit ng tingin si Ras na ngayon ay nakaiwas pa rin ng tingin. Wala naman masama sa suot ko, besides, para pa rin naman two piece ang suot ko.

Bakla ba 'to?

"Ayaw mo talaga?" Tawag ko sa kaniya.

Nakalublob na ako ngayon sa tubig at tanging ulo hanggang leeg ko na lang ang kita. Kita kong napatingin siya sa'kin at masama ang tingin niya. Nagpeace sign ako sa kaniya.

"You're such a tease... You'll be the death of me, Celestine Smith."

I laughed. Kumuha ako ng tubig para sabuyan siya pero malayo kaya hindi umabot.

"Ayaw mo? Samahan mo na ako! Huwag kang mag alala sa damit. Kapag wala kang damit pagkukuha kita sa mga gamit ni Kuya Charlie na hindi niya pa nagagamit!"

He shook his head, nakatikom ang bibig nito habang nakatingin lang sa'kin na parang binabantayan niya ako.

"Babantayan na lang kita mula rito..."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now