Chapter 28

38 11 1
                                    

Chapter 28


**

Mag a-alas dos na nang matapos ako sa paggawa ng project namin. Kahit inaantok na ako ay pinigilan ko. Kahit ang pagsuko ng mga talukap sa mata ko ay nilabanan ko para lang matapos ito at hindi na mag away ang mga magkakaibigan.

I also did not eat my dinner for today. I had a lack of time because this project wasn't that easy. Lalo na't isa lang akong gumawa. If we did it as six, baka hindi pa magmamadaling araw ay tapos na namin 'yon.

But this is what I want. I volunteered myself for this. Wala naman akong karapatan para magreklamo dahil ginusto ko 'to. But, if I didn't volunteered myself, who will do it for the sake of our grades? No one.

I'm not saying that I'm a grade conscious pero kailangan mong gawin ang dapat gawin kapag nag aaral ka. Minsan din ay hindi ako gumagawa ng projects pero pagdating sa computing of grades ako ang kawawa.

"Nasa'n na ang project natin?" mayabang na tanong sakin ni Katrina while she's holding a hair brush.

Napataas ang aking tingin ng makita kong nasa harapan ko na sila. May makakapal na make ups sa kanilang mga mukha kaya napapangiwi ako.

School 'to for pete's sake. Make ups must be probably prohibited but where's the rules and regulations now?!

Magkakaibigan sila kaya parang ako na lang ang out of place sa kanila dahil 'di naman kami close - sila sila lang ang madadalas nagkakasundo pero 'di ko lang maintindihan kung bakit nag away sila dahil sa projects. Hindi ko sila ka-level pagdating sa pag aayos ng mukha. Sa ugali rin, ayokong magka-records sa school. No way.

"Tapos mo na ba?" Shekirah asked while raising her eyebrow at me.

I slowly nodded my head as I turned around, kinuha ko ang bag ko para ilabas ang project na ginawa ko. Nilapag ko 'yon sa kanilang harapan.

"Yes po, tapos na. Wala na kayong problema." Mahinahon pero may pagka-sarcastic sa aking boses. "Ipa-pass ko na lang kay Sir. Lacson mamaya,"

Napataas ang kilay nila sa akin at bumaba ang tingin sa proyekto na ginawa ko. Sinuri nila ito at nilipat lipat na marahas ang bawat pages bago ibalik sa akin ang kanilang tingin. They smirked.

"Dahan dahan naman kayo sa paglipat ng pages baka masira. I worked hard for that." Mahinahon kong sabi. "Baka hindi na natin mabalik-"

Lumapit sa'kin si Venice. "Sinasabi mo bang wala kaming tinulong?!"

I immediately shook my head. "H-hindi naman sa ganon pero sana dahan dahan kayo. Kapag nasira 'yan hindi na tayo makakagawa ng panibago kasi oras na..."

"So?! Problema pa ba namin 'yon?"

"Hindi naman. After Miss Farah, Sir Lacson would be our next teacher kaya we might have a lack of time."

Anelia rolled her eyes. "Pabida ka kasi!"

"Hindi ako pabida..." sagot ko, medyo nanginginig.

Nilapitan ako ni Roana habang nakangisi. "Sasagot ka pa, e. Sarap mong sabunutan alam mo 'yon?"

Umiling ako na medyo natakot dahil kilala ko ang mga ugali nila. They can do that. I know.

"Wag na kayong magalit sa akin..."

Sabay sabay silang nagtawanan na para bang may binabalak na masama pero ngumiti lang ako sakanila.

"Takot ka naman pala eh!" Roana said while laughing.

"Maganda naman at ikaw ang gumawa ng project natin dahil kung hindi kawawa tayo ngayon!" Anelia said.

"May pakinabang naman pala kahit papano. Hindi lang puro paganda!"

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now