Chapter 34

42 12 0
                                    

Chapter 34

**

After that moment with him. I felt so happy and I couldn't understand my own emotions. It's like, I love being with him. Kapag nawala siya hindi ko na alam ang gagawin ko.

"May namamagitan ba sa inyo ni Raius, Celestine hija?"

Kasama ko si Mommy ngayon sa may terrace. Nandito lang ako kanina bago siya pumasok. Nagpapahangin at nag iisip sa kung anu-anong mga bagay na nagpapagulo sa isipan ko ngayon.

I shook my head. "Mommy, wala naman pong namamagitan samin ni Ras. W-We're just friends."

I bit my lower lip. Why can't I admit that we have something? She's my mom for God's sake! Walang mali kung malalaman niya kaysa sa iba niya pa malaman na meron baka mas lalo lang akong managot doon.

"Tell me the truth. I'm your Mom and I deserved to know what's bothering you. May something ba kayo ni Raius?" she repeated.

I secretly pinched my own skin para mabalik sa katinuan. Habang nakatingin sa kalawakan ay tumango na lang ako ng dahan-dahan. No need to hide it from her.

"Y-Yes, Mom..." nanginginig kong sabi. "W-We love each other..."

Mom did not smile or what kaya mas lalo akong kinabahan. She is deadly serious now! This is what I'm saying kaya hangga't maaari ay ayoko sanang malaman niya.

"Kayo na ba?" malamig niyang tanong.

Mabilis akong umiling. "Umamin lang siya na gusto niya ako at gusto ko siya pero hindi pa kami, Mommy."

She slightly nodded her head. There's still a serious look on her face. It sent me shivers at ginagapang ako ng matinding kaba.

What if ilayo ako ni Mommy kay Ras? I don't think kung kaya ko dahil aaminin ko na my day can't be complete without him. It's like he's my better half.

"Alright. Ras is kind and a good man. Very dapper and solicitous."

Mabilis akong tumango sa kaniyang sinabing pagpupuri kay Ras. "Yes, Mom. He is."

Nakangiti ako habang sinabi iyon kaya nung lumingon sa'kin si Mom ay nahuli niya akong nakangiti. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang hitsura. She's still cold.

"Celestine hija, are you aware that you're just seventeen years old?"

Napakagat ako sa aking labi ng sabihin iyon sa akin ni Mom. Of course, I'm very aware of it. Age doesn't matter naman diba? When it comes to love.

"And he's turning twenty two next month?"

I don't want to hear it again. Naging big deal na nga noon sa'kin ang age niya at ayoko ng maulit pa iyon. Nasaktan ko na siya noon.

Once is enough, twice is too much. Third is... I don't know baka ito na 'yung dahilan para itaboy niya na ako.

"M-Mom... Age doesn't matter naman diba?" marahan at nangungumbinsi ang aking boses.

"I know, pero ang sinasabi ko huwag ka munang mag-boyfriend... huwag muna, Celestine."

Hindi ko alam kung ano ang naging hantungan ng pag uusap namin ni mommy. May mga oras na sang-ayon siya samin ni Ras pero madalas ay parang against siya.

Ilan minuto rin ang tinagal ng aming pag u-usap kaya nga pakiramdam ko ay ang dami kong na-kwento sakaniya. Eventually, I still convinced her na this love isn't wrong. I know my limitations at kung ano man ang kaniyang iniisip ay mali.

There's no sign of Ras again today. Siguro dahil maaga pa kaya panigurado ay natutulog pa 'yon o baka naman busy siya sa kaniyang trabaho. Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na nagtra-trabaho siya.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now