Chapter 48

59 11 0
                                    

WARNING: This chapter contains mature content that might be disturbing for young readers. If you're a minor, please, skip this part. (SPG/R18)

**

Chapter 48

**

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat. Tama nga ang sinasabi nila na kapag may saya huwag kang mag expect na puro saya na lang dahil nandiyan ang kalungkutan para sirain iyon.

Katapos namin mag usap ni Graella ay bigla niya akong iniwan sa kinatatayuan ko. Sa totoo lang ay gustong puntahan si Vanner para magkaroon kami ng isang pag uusap.

I tried to sleep but I just couldn't. Hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko. Pakiramdam ko ay napakasamang tao ko na dahil sa nangyari kay Vanner.

Natakot din ako sa threat ni Graella. Ayokong may mangyaring masama sa kasal namin ni Ras. Ayokong mapalitan 'yung excitement ko ng matinding pagsisisi.

I scroll down on my newsfeed. Napansin ko ang post ni Ras na totoo ngang proud na proud pa siya. He even posted my hands with a ring on his facebook and instagram.

Raius Eistein Villavista

A very awaited day. Finally, I got her hands. We're finally engaged!

Kahit kinakabahan ako sa puwedeng mangyari ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. He's really sweet, hindi niya ako binigo sa kahit ano.

Nagbasa ako ng comments dahil wala naman akong ginagawa. Habang nababasa ko 'yung ibang comments ay nihe-heart ko na lang.

Constantine Lacrosse: Wow! Whoa. Congrats to both of you!

Gabriel Villavista: Wait! Whoa! Akalain mo nga naman! Congrats, bro!

Elisse Lacrosse: Oh my god! I've been waiting for this day! Congratulations! More babies to come!

Kalli Lacrosse: Congrats, man. Keep her up always.

May iilang comments ang mga former schoolmate niya at batchmate. Napansin ko rin ang comments ng former classmate ko pero hindi na ako nag abalang sumagot pa sa kanilang comments.

I yawned. It's already three in the morning but I'm still wide awake. Gusto ko sanang tawagan si Ras kaya lang baka natutulog na siya ngayon.

Pinilit kong pumikit at magparating ng tulog kahit hindi mawala sa isip ko si Graella at ang kaniyang galit na galit na mga mata. She even left me a threat.

As the sunrise set, agad ko itong kinuhanan ng litrato. Nakasabit sa aking leeg ang digital camera dahil nagpi-picture ako ng mga tanawin.

Sinunod kong kinuhan ay ang pagaspas ng puno at may konting blurd sa may ulap at tanging sa puno lang nakafocus ang pagkuha ko rito.

"Cels, pinapatawag ka ni Madam Ethel. Mukhang may gustong sabihin." isang matandang boses ang narinig ko.

Lumingon ako kay Aling Berta at tinanguan siya. May suot suot siyang pang mayordoma na damit at bumabagay talaga sa kaniya ito.

"Pakisabi po, papunta na." marahan kong sabi.

Tumango siya sa'kin at muling pumasok sa hacienda. Umiwas naman ako ng tingin at kinuhanan na panghuli ay ang tigkal tigkal na putik mula sa garden.

Kapasok ko ay sinalubong ako ni Mommy ng halik sa pisngi at binati kaya binata ko rin siya pabalik.

"Mom. Why?"

Namumula ang pisngi ni Mommy na parang tinampal niya ito ng blush on kanina. Sa hitsura ni Mom at hitsura ko ay mas mukha pa akong nanay sa kaniya.

"May lakad ba kayo ni Raius ngayon?"

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now